Tinulungan na muna ako ni Kaliex na tapusin ang paglilinis sa bahay, pati na rin sa labas. Mas mabilis siyang mapagod kumpara sa akin. Nakakaisang area pa lang siya pero pawisan na siya. "Magpahinga ka muna, Kaliex!" sigaw ko sa kanya. Ang mga halaman kasi na patay ay tinatanggal na niya ngayon. Naaawa naman ako sa kanya. Tirik ang araw pero nagtatanggal pa rin doon. Ayaw niya akong hayaan na lumabas dahil sa takot na rin niya na sensitive ako sa sinag ng araw. "Sige. Susunod ako. Tapusin ko lang ang isang ito," sagot niya sa akin. Naghanap ako ng pwedeng maimiryenda namin ni Kaliex. May wine dito kaya iyon na lang ang iinumin namin. Na-realize ko na may isa pa pala akong problema. Paano pala ang pagbabayad ng kuryente namin dito? Hindi ko naisip na pwede rin pala kaming ma-trace

