Hindi ko kinaya ang mga nakita ko kanina kaya mabilis akong umalis papunta sa kung saan nakatira si Minari noon. Mukhang nakita rin ata ni Mio na may bampirang nakamatyag kanina kaya buti na lang ay nakatakas agad ako. Nang makarating ako sa malamansyong bahay ni Minari ay nagtataka ako kung paano siya nakapagpundar ng ganitong kalaking bahay. Minana niya lang kaya ito sa pamilya ng nanay niya o sadyang pinagawan siya ni Dad? Pumasok ako sa bahay nang makita kong may lumabas na katulong para magsampay ng kung anu-ano. Tiyak na dito pa rin nakatira si Minari dahil mayroong tao. Gusto ko lang din malaman ang mga plano niya sa buhay. Nakapagtataka na alam na nilang nawawala ako, pero hindi bakas sa mukha ni Minari ang pag-aalala. Si Mio ay parang wala na rin ang mga nangyari at pinag-usapa

