Chapter 25 Nakatulugan ko ang pag-iyak. Ang hapdi-hapdi ng mga mata ko sa paglabas ng luha at sumasakit rin ang lalamunan ko. And after a short time of sleeping, I thought I would feel better the next day. Akala ko mababawasan ang pait, sakit, at bigat na nararamdaman ko pero hindi. Nagising ako na dala-dala ko pa rin ang sakit. I never dared to go out. I am so drain and I don’t want to force myself. May office sana ako ngayon para sa internship pero ayaw ko na. I had enough. Ayaw ko nang pilitin ang sarili ko. Nanatili lang ako sa loob ng kwarto ko. I was hugging my pillow when the door of my room suddenly opened. Walang lakas akong bumaling doon at nang makita si Mommy na papasok ay kaagad lang rin akong nag-iwas ng tingin. “You won’t go out for breakfast? Ipapaakyat ko na lang dit

