Hemira III 44 - Sulat ~Hemira~ "Hemira! Gumising ka! Hemira!" Mayroong isang malambot na bagay ang dumampi sa aking bibig upang bigyan ako ng hangin. Nang mawala na ang bagay na iyon sa aking mga labi ay bumulwak sa aking bibig ang tubig at napaubo-ubo ako dahil doon. Suminghap kaagad ako ng hangin. "Hemira!" tuwang-tuwang tawag sa akin ng maraming mga boses. Pagmamay-ari iyon ng aking mga kaibigan. Inalalayan ako ng isang tao upang makaupo at nang magawa ko nang maimulat ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Yohan at ng iba ko pang mga kaibigan. Nakapaligid sila sa akin habang nakaupo at basang-basa silang lahat. Nang makita nilang ayos na ako ay sabay-sabay silang napabuga ng hangin sa pagluwag ng kanilang dibdib. Bigla akong niyakap ni Yohan. "Hindi ko

