Hemira III 46 - Eurus ~Tagapagsalaysay~ Marami nang mga mandirigma ang humahabol kay Euphemia. Ang mga nadadaanan naman niya ay natulala lamang sa kaniyang karikitan at hindi kaagad mga nakakilos. Hinubad niya na ang kaniyang puting roba upang bawasan ang bigat ng kaniyang katawan at hindi siya mahirapan sa pagtakbo. Doon ay narating niya na ang malaking pinto ng palasyo. Napakaraming mga mandirigma ang nakabantay roon ngunit sakto namang nakita niya si ginoong Sueret na mayroong kausap na mga maheya ng karunungan doon. "Ginoo! Ginoo!" tawag niya rito at napalingon pa siya sa dami ng mga mandirigmang humahabol sa kaniya. Napatingin naman sa kaniya ang matandang maheya at nabakas sa mukha nito na siya'y nakilala nito. Nang makalapit na siya rito ay nagtago kaagad siya sa likuran nito

