Hemira III 48 - Iba't-ibang Kaharian (Pagbabalik ng oras) [Isang araw ang lumipas noong ipakalat ng mga banik sa labas ng Notos ang liham ni Handro. (Naglalakbay pa lamang sila Hemira lulan ng mga banik papuntang Eurus.)] “Haring Theo! Mahal na hari! Mayroon kaming isang napakahalagang balita sa inyo!” Isang kawal ang hangos na hangos na lumapit kay Theo sa isang pasilyong nilalakaran nito kaya naman napatigil ito at ang ilang mga maheyang kausap nito. Ito na ang kasalukuyang hari ng Priam sapagkatapos pakasalan ang diwata ng yelo na si Nero. Ang kaniyang amang si Atreus ay bumaba na sa posisyon nitong hari nang maipakasal na siya at hiniling nitong bumalik sa bayan ng namayapa nitong reyna upang doon alalahanin ang masasayang alaala noong buhay pa ang kabiyak kaya naman sila na ni Ne

