"You can't never teach your heart whom to love." *** "Anong nakita namin kanina? Millie!" Nagulat ako nang sigawan nila ako. Nakahalukipkip ang mga ito habang parang mga pulis na iniikutan ako. Mabuti pa si Athan, na nanatiling nakaupo at pinapanood lang ang ginagawa ng mga asungots. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. "Ano Millie? Sumagot ka!" "Nililigawan niya ako." Diretsong sagot ko. Nanlaki ang mata nila. "Millie naman! Ilang linggo ka niyang hindi pinansin at sinungitan pa. Tapos, hinatid ka lang noong biyernes ngayon para na kayong magsyota. Real quick." Sabay-sabay silang umiling. Napayuko ako, may point sila pero hindi na gumagana ang isip ko ngayon kundi ang puso ko nalang. "Alam niyo naman na noon pa man, gustong-gusto ko na siya. Ngayon pa na sinabi niyang

