Chapter 3

1270 Words
''Sometimes you will accidentally met people that will add color to your life. Not knowing their purpose.'' *** Napaunat ako sa kamay habang pilit bumabangon. Kinapa ko ang alarm clock kong nasa bedside table, na kanina pa tumutunog. "Good morning honey." Malambing kong sabi at hinalikan ang isa sa mga nakasabit na picture ni Zen. "Anak, gising na!" Malakas na pagkatok ni papa. "Oo pa!" Sigaw ko at agad bumangon. Naghilamos muna ako at dumiretso sa kusina. Nakahanda na ang agahan namin. "Pa, anong oras ka umuwi kagabi?" Tanong ko habang naglalagay na ng pagkain sa plato. Nakauniporme na si papa at handa nang aalis. "Mga lampas alas diyes na siguro. Mabuti nga at di mo na ako hinintay." Napangiti siya. "Nag-iimprove ka na sa pagluto ah." "Syempre, ako pa ba! Mana ako sayo eh." Napangisi ako. "Oh siya, bilisan mo na ang pagkain. Malelate ka na." "Una ka nalang pa, mukhang nagmamadali ka eh." "Oo, may importante pa akong gagawin. Mauna na ako isarado mong mabuti ang bahay huh?" Tumango ako. Nagmamadali na nga siyang umalis. Narinig ko pa ang malakas na pagharurot ng motor niya. Kung pwede ngalang ang motor sa Clarkson, nagmotor na ako kaso bawal eh. Mahigpit ang policy na 'no any kind of vehicles except bike used by the students' ang pwede lang gumamit ng kotse ay mga profs at bisita ng Clarkson. Ang trip kasi ng may-ari, fresh air. Naalala ko pang 'yung anak ng may-ari ng Clarkson, nagbabike din. Walang special treatment. Sayang, at hindi ko na siya naabutan. Si Master Ashton Syl Clarkson. Kaedaran 'yun ni kuya. Number 1 heartthrob daw yun dito dati. May asawa na ngalang siya ngayon, ang swerte ni ate girl. Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Napatingin ako sa orasan ko. s**t! 10 minutes nalang malelate na ako. Mas lalo kong binilisan. Halos takbuhin ko na nang makapasok ako sa gate. Saktong may nabangga ako. Ganun na nalang ang panlalaki ng mata ko nang bumagsak ako sa kanya. "s**t!" Rinig ko ang malakas niyang mura. Agad akong tumayo, nadaganan ko kasi. Tumayo ito, at iniunat ang mga braso. Ngumisi ito pagbaling sa akin. Tinitigan niya ako mula hanggang paa. Ang masasabi ko, mukhang playboy. "Impressing, how can a girl like you weight like that.'' Umirap lang ako at naglakad na bahala ka sa buhay mo. Balak ko sana magsorry pero huwag na, ininsulto pa ako eh. "Wait!" Rinig kong sigaw niya pero mas lalo kong binilisan ang paglakad. Binagalan ko lang nang makita si Zen papasok palang ito sa room nila.  "Zen, good morning!" Matamis akong ngumiti sa kanya. As usual, malamig at walang reaksyon niya lang akong tinignan at pumasok na sa room nila. Napanguso ako. Pilit pa akong sumilip, nang biglang... "Huli ka!" Agad akong napatalon sa gulat nang bigla nalang may umakbay sakin. 'Yung lalaki kanina, ang kapal naman nito feeling close. Di ko nga siya kilala inakbayan na ako. Agad akong napangisi at siniko ang tagiliran niya. "Aww! s**t! Bakit mo ginawa 'yun?" Hirap niyang tanong habang nakahawak sa tagiliran niya. Ngumiti ako ng matamis. "Bagay lang yan sayo, feeling close!" Umirap ako, sumilip ulit ako sa room nila Zen. Napangiti ako at kumaway nang makitang nakatingin siya sa direksyon ko pero agad ding umiwas ng tingin. Atleast, tinignan niya ako. Ang gwapo niya talaga, kahit kailan di ako magsasawang titigan ang mukha niya. "So, crush mo 'yung lalaking yan. Eh, mas gwapo naman ako riyan." Nabura ang ngiti ko at inis na nilingon ang lalaking kanina pa bumubwisit sakin. "Hindi ka lang pala feeling close, mayabang din." Binilisan ko lang ang paglakad. Saan kasi nanggaling ang lalaking 'to? Sigurado akong hindi siya nag-aaral dito. "Teka lang!" Tumakbo nalang ako. Hingal na hingal ako pagdating sa room. Namutla ako nang makita si Sir Anton. Oo nga, first period namin siya ngayon. "Miss Zamora! Hindi nga kita naabutang tulog pero late ka naman!" "Ahmm, excuse me Sir. Is this the Gas A class?" Biglang singit noong bwisit na lalaki. Napakunot-noo ako nang ang parang bulkang sasabog na mukha ni Sir ay naging maamo.  "Yes, so you're Mr. Smith?" Tumango naman ang gago. "Come here and introduce yourself." maamo niyang sabi at pagbaling naman sakin naging mabangis naman itong tigre. "And you, Ms. Zamora stay outside! I don't need a kind of irresponsible student like you!" At sinarado ang pinto. Mabibingi yata ako ang lakas ng boses ni Sir parang nakamicrophone. "Edi kung gusto mong sa labas edi sa labas. Ang dami pang sinasabi eh." Naiiritang bulong ko. Kampante akong umupo sa floor sa labas. Nang muling bumukas ang pinto. Napataas ako sa kilay, nang ang bwisit na lalaki na naman. "Pasok ka na raw." Nakangising sabi niya. Napakunot-noo akong tumayo. "Utang mo 'to sa akin," nakangising bulong niya. "Ms. Zamora you're lucky that Mr. Smith said that you help him so your late." Napamaang ako. Pilit kong kinontrol ang inis ko at nilingon ang lalaking pangahas. Nakaupo pa sa tabi ko. Nakasimangot akong umupo. "Doon ka nga, may isa pang bakanteng upuan dun." Turo ko sa gilid sa harap namin. Dalawa pa kasi ang bakanteng upuan dito sa room, yung tabi ko at sa harap ko. "Ayaw ko, dito gusto ko." Parang batang sagot niya at binelatan pa ako. The nerve of this guy! "Doon ka na ah." Mariing sabi ko. "A-Y-AW KO, understand? Saka tinulungan kita kanina. This is the exchange of favor." "Di ko naman sinabing tulungan mo ako." "Basta, yun na yun. I've help you then let me sit here." Napahawak nalang ako sa ulo. Lord, bakit ko po sa dinami-daming studyante ako pa nakabangga kanina ng lalaking 'to? Unang araw ko palang nakilala. Parang mababaliw na ako sa inis. "Uy! Psst!" Hindi ko pa rin siya pinapansin at nakatingin lang ako sa kawalan. Naghihintay ng buzzer para makapunta na ako sa room nila Zen. Vacant na kasi namin. "Ako si Nathan Smith, ano na pangalan mo?" Hindi ko pa rin siya pinansin. "Huhulaan ko na ngalang. Since ang bigat mo, pangalan mo siguro bobsie!" Still, he didn't get a response from me. "Ay piggy nalang." "Ah! Baka Piglet!" "Puppet!" "Pange---" Inis ko siyang binalingan. "Pwede ba? Kung naboboring ka, huwag ako ang bwisitin mo. Doon ka nga!" Ngumisi naman siya nang nakakaloko. "So, your name is Claudette." Napanganga nalang ako nang makitang hawak-hawak na niya ang I.D ko nang 'di ko man lang namalayan. "Bagay tayo, isa kang ulap at ako naman ay isang araw. Nice meeting you Claudette Millicent, I'm Nathaniel Sun."  Ang kapal! At dahil hindi talaga ako isang taong  pasensyoso. Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko, agad kong kinuha ang kamay niya at ipinilipit. "Ah!" Malakas niyang sigaw. Ngumisi lang ako. "Hindi tayo bagay kasi kay Zen lang ako, naiintindihan mo?" Kahit namimilipit siya sa sakit agad siyang tumango. "Good boy," Napangiti ako at binitawan na ang kamay niya saka parang asong hinaplos ang ulo niya. Madali naman pala siyang mapasunod eh. Napatigil lang ako at nanlaki ang mata ko nang makita si Zen na papasok sa room. "Hi Zen!" Masayang bati ko pero hindi man lang niya ako tinignan. "Ay, ini-snob," umirap lang ako nang tahimik na tumawa ang katabi ko. Bahagyang lumayo narin ito sakin, takot ng tamaan. "Ma'am Salazar instructed me to give you this activity, select someone to collect it and just pass to her office." Malamig niyang sabi. "Ako na ang magkokolekta!" Ngiting-ngiting sabi ko. Tumayo pa ako para kunin ang atensyon niya. "Okay then, just pass to Ms. Zamora." Napasimangot akong umupo.  Hindi talaga ako tinignan kahit seconds man lang. Problema kaya niya? Wala naman akong ginawang mali ah.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD