"Two effects of love: Be determined or be weak." -M.S.O *** Nakayuko at walang buhay akong naglalakad, tulak-tulak ang bike ko. Mas feel ko kasing magbike sa mismong labasan na dahil walang lubak at wala rin akong energy. Parang konting tulak lang matutumba na ako. Malapit na ako sa labasan ng subdivision nang makita ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Agad bumilis ang t***k ng puso ko. Anong ginagawa niya dito? Napabatok ako sa ulo. Tanga mo talaga Claudette, huwag ka na namang mag-assume! Parang tangang bulyaw ng sarili kong isip. Tumuloy nalang ako sa paglakad. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala na ang galit sa dibdib ko, siguro may konting tampo nalang pero kahit ganun. Hindi ko nalang muna siya papansinin. Sariwa pa sa isip ko ang mga masasakit niyang salita. Nakahin

