"A parent's love will never be compared to any kind of love." *** "Nananana.." Nagha-humming pa ako habang naglalakad. Ang saya ko! Siguro nahihiya lang siyang sabihin 'yun kaya isinulat nalang niya. Sumakay na ako sa bike ko. Hindi naman ako takot dahil may mga street lights naman at syempre kaya ko naman protektahan ang sarili ko kung may masamang tao man na masalubong ako. "Teka lang," napatigil ako sa pagbike at lumingon sa likod ko. Malapit na kasi ako sa subdivision nang may maramdaman akong parang may sumusunod sakin. "Nakakapagtaka, wala namang tao," napailing-iling ako baka guni-guni ko lang. Pagdating ko sa bahay. Nakita ko ng nakabukas ang ilaw ibig sabihin meron na si Papa. Patay! Nauna siya sakin. "Pa! Nandito na ako!" "Millicent, bakit ngayon ka lang?" Napakamot

