“My name is Lucard Puentes, you can call me Card. Nice to meet you guys.” paikling makilala nito sa lahat, lahat ng mga kaklase ko ay may iba't ibang komento.
Napahikab ako, s**t ito talaga ang diko mapigilan kapag oras ng klase. Inaantok ako.
“Ma'am, may i request po?” narinig kong sabi ni Lucard or Card sa guro. "Ano iyon hijo?”
“Pwede po ba ako tumabi kay Beam yung babaeng nasa tabi ng bintana po.” sabi nito, hindi ko inaasahan na sasabihin nya iyon. Sinamaan ko ng tingin ang mga tumingin sakin agad naman silang umiwas. Samantalang si Lucard naman ay ngi-ngisi ngisi, problema nito? How did he know my name? do i know him?
Pagkaupo niya ay agad nya akong binati.
"Hi" malaki ang ngiti niya ngunit hindi ko nalang pinansin."Kumusta kana pala?” papansin? “Hindi ko akalain na makikikita kita ulit, grabe buti nalang dito ako pinag-aral ni Daddy—" tumaas ako ng kamay, natigil naman siya pero agad akong napansin ng guro na iyon naman ang gusto kong mangyari.
“May i go out? Meron lang emergency” paalam ko sa guro, kahit wala namang emergency. Gusto ko lang talaga umalis dito.
“Okay miss”
Mabuti nalang at mabait ang professor namin ngayon wala siyang maraming tanong. Kinuha ko ang bag ko “Teka, san ka punta?” sabi ng tukmol.
“Maiwan ka dyan at makinig ka sa pinagsasabi ni Mrs. Chaves.” sinabi ko kay Lucard at iniwan siya doon.