Max’s POV Masaya ako na pinatawad na ako ni Silvia. Pagkatapos ng ilang taon kong paghihintay na bumalik sa wakas ay pumayag na rin siya na bumalik sa akin. Akala ko talaga wala na kaming pag-asang magkasama lalo pa’t ilang taon din kaming hindi nagkita. Pero nang makita ko siyang muli. At nang malaman kong wala na si Henry ay hindi na ako nag-aksaya na muli ko siyang makuha. Malaki na ang naging pagbabago niya mula nang huli ko siyang makita. Alam ko na hindi na siya ang Silvia na kilala ko noon. Pero may isang hindi nagbago sa aming dalawa. Yun ay ramdam kong mahal pa rin niya ako at mahal na mahal ko pa rin siya. Hangang ngayon kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay niya sa akin. Umakyat ako sa hagdan upang puntahan si Silvia sa kwarto. Kakalipat lang niya ngayong araw

