Max’s POV Tatlong araw pa ang itatagal namin dito sa hospital kaya kailangan kong magpaiwan. Si Mommy at si Mary kasi ay umuwi muna sa bahay. Baka bukas ay nakabalik na si Ate Maricel at si Daddy. Ka-video call namin sila kanina at tuwang-tuwa sila na makita ang kambal. Sa ngayon ay may tig-isa silang higaan dito sa loob ng kwarto ni Silvia. Kakatulog lang din ni Silvia kaya habang tulog sila ay ako naman ang nagbabantay. A little sacrifice not only for my wife but also for my twin. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa na akong Ama. Kapag nakikita ko ang mga anak ko ay na-overwhelm pa rin ako. Ang naging bunga ng pagmamahalan namin ni Silvia. Saksi ako sa hirap ng pinagdaanan niya. At nakita ko kung gaano siya ka-ingat sa kanyang sarili. Lalo na noong mga panahon na lumalaki na ang tiya

