Silvia’s POV Kinabukasan ay nagpasama akong magpacheck-up kay Henry. Hindi naman siya nagreklamo kahit na marami pa siyang tinatapos na design. Sinabi ko kasi na gusto kong malaman kung healthy pa rin ang matres ko pagkatapos kong magkunan ng dalawang beses. Dahil gusto ko kapag nagkaroon na kami ng magiging anak ay mahanda at maingatan ko ang sarili ko. Hindi naman mapawi sa labi niya ang ngiti nang sabihin ko yun. Alam kong inaasam niya rin yun at magiging masaya siya kung magbubunga ang relasyon naming dalawa. Pinalakas niya ang loob ko kaya magaan ang pakiramdam kong nagtungo kami sa pribadong hospital para magpacheck-up. May iilan pang nakapila nang dumating kami sa clinic ni Doctora Mariz. Siya din ang ob-gyne doctor ko noong nagbuntis ako sa kambal kaya kilalang-kilala na niya a

