Max’s POV “Lasing ka na naman?” Nakapameywang niyang salubong sa akin nang makauwi na ako sa bahay. Kakababa lang niya sa hagdan. “Wag ngayon Ava.” Sinubukan ko siyang iwasan pero marahas niyang hinila ang braso ko. “Simula nang umalis ang malanding babaeng yun, wala ka ng ibang ginawa kundi ang maglasing! Nakalimutan mo na ba ang obligasyon mo sa akin? Max, buntis ako! Dapat inaalagaan mo ako! Hindi yung ganito, palagi ko na lang iniisip kung nasaan ka, sinong mga kasama mo, at kung anong ginagawa mo!” Umiiyak na sabi niya sa akin. Pero imbis na awa ang maramdaman ko ay hindi ko parin maintindihan kung bakit hindi ko magawang tignan si Ava ng kagaya ng pagtingin ko kay Silvia. Akala ko kaya kong mawala siya dahil mas lamang ang galit ko nang makita ko ang panloloko niya sa akin. Per

