Pagmulat ko ay wala na siya sa tabi ko. Sumisilay na rin ang sinag ng araw sa manipis na kurtina. Kahit masakit ang aking katawan ay ibinangon ko ang aking sarili at naupo ako sa gilid ng kamay. Wala pa din akong saplot at kitang-kita ko ang naging bunga ng ginawa ni Max. Pasa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at sugat sa labi. Akala ko titigil na siya kagabi pero naulit-ulit yun ng naulit hangang sa nawalan na ako ng malay. Napapangiwi akong tumayo at humakbang patungo sa loob ng banyo. Hindi ko alam kung anong oras siya umalis o kung natulog ba siya sa tabi ko. Pero sana makinig man lang siya sa akin. Alam kong kasalanan ko dahil nagtiwala ako kay Daryl. Pero never kong naisip na magkaroon ng karelasyon sa iba. Ang gusto ko ngayon ay maayos ang pagsasama naming dalawa. Nag-umpisa na

