Silvia’s POV Pagkatapos ng office hour’s ay nagpasama si Sir Henry sa akin. Bibili daw kasi siya ng sapatos. Pumayag na rin ako dahil wala naman akong gagawin at isa pa sabay pa rin kaming napasok sa opisina at pati na rin sa paguwi. Dumaan kami sa pinakamalapit sa nadaanan naming department store. “May gusto ka bang bilhin?” Tanong niya sa akin. Habang naglalakad kaming dalawa sa loob ng department store. Para humanap ng shoe store na pagbibilhan niya. “Wala naman, siguro sa online na lang ako titingin para iwas hassle.” Nakangiting sagot ko sa kanya. “Bakit sa online pa? Pwede naman ngayon sasamahan naman kita. Ano ba ang bibilhin mo?” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ang totoo mga underwear talaga ang bibilhin ko at ilang dress for office attire pero nakakahiya naman kung kasa

