“Salamat sa paghatid, Daryl.” Ngumiti siya sa akin matapos niyang maibaba ang pinamili ko sa kusina. Ayaw ko pa sana siya papasukin pero hindi ko kasi kakayanin buhatin mag-isa ang lahat ng pinamili ko. “Walang anuman po yun. Sige po pupunta na ako sa garden.” Paalam niya sa akin. Pagka-alis niya ay nag-umpisa na akong ipaglalagay ang mga pinamili ko sa ref. Pagkatapos ay umakyat na rin ako para makapagbihis ng damit. Maya-maya pa ay narinig ko na ang makina pang-cut ng mga damo kaya sumilip ako mula sa veranda. Nakahubad na naman siya ng t-shirt at kita ko na naman ang kanyang mga muscles. Nakakaaliw siyang pagmasdan. Saka satisfying ang ginagawa niya habang tinatabas ang mga damo. At mukhang sanay nga ito sa pagsasaayos ng garden kahit kahapon palang siya nag umpisa. Mukhang maga

