“Maraming salamat Mrs. Licarpio. Malaki ang maitutulong ng halagang ibinigay niyo para sa mga bata dito sa ampunan.” Tumayo ako at ginagap ang kamay niya. “Wala pong anuman yun Mother Elena. Siguro kung hindi ako naging kasambahay sa ampunan ako napunta. Maswerte pa rin ako dahil may pamilya na kumupkop sa akin nang mawalan ako ng pamilya. Pero ang mga batang yun. Kahit nakangiti sila alam ko sa puso nila gusto pa rin nilang magkaroon ng sariling pamilya. Sana lang makahanap sila ng mabuting tao na aampon sa kanila. At isa pa, hindi ko po ito magagawa kung hindi dahil kay Henry. Sana kahit paano ay nakatulong po ako.” Nakangiting sabi ko sa kanya nang matapos ko nang ibigay ang kalahati sa kinita ko sa kompaniya ni Henry. Dito ko naisip na ibigay sa angel’s home ang pera dahil ito ang

