CHAPTER 5

1600 Words
"Ba't ang tahimik mo?" tanong ni Theodoro sa kaibigan nang napansin niya itong hindi umiimik magmula pa nang sunduin niya ito. Naihatid na nila si Katrina sa bahay nito at kasalukuyan na rin silang nagba-biyahe pauwi. Napalingon siya rito nang hindi siya nito sinagot sa kanyang tanong at dahil sa naging inasal ng dalaga ay agad na inihinto ni Theodoro ang tricycle sa gilid ng daan saka niya binalingan ang kaibigan. "May problema ba?" nagtataka niyang tanong dito. Walang sabi-sabing lumabas ng tricycle ang dalaga at nag-aalala namang napasunod dito si Theodoro. Nag-aalala siya na baka nagkaganito ang kanyang kaibigan dahil hindi ito natanggap sa trabaho. "Jack, magsalita ka naman. May problema ba?" muli niyang tanong dito. "Sino 'yon? Nobya mo ba 'yon?" Napakunot ang noo binata sa naging tanong sa kanya ng kanyang kaibigan. "Sinong tinutukoy mo?" "'Yong Katrina kanina." "Pasahero ko 'yon. Bakit may problema ba?" naguguluhan pa rin niyang tanong dito. Hindi na naman umimik ang dalaga. "Nagseselos ka ba kay Katrina?" May tuwa sa puso niya nang itanong ang tanong na iyon dahil sa pag-aakalang mutual ang feelings nila para sa isa't-isa. "Oo naman, nuh!" Napangiti siya sa kanyang narinig. "Ako 'yong kaibigan mo pero siya naman 'yong nakaupo sa tabi mo tabi tapos siya pa 'yong madalas mong kinakausap, nahuhulog tuloy na ako 'yong pasahero mo." Agad namang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at agad ding nawala ang tuwa sa kanyang puso dahil sa sinabi nitong kaibigan niya. Akala niya, pareho na sila ng nararamdaman. He got it wrong pala. Nag-a-assume lang pala siya. "Sa susunod, ako lang dapat ang sasakay du'n sa tabi mo. Pwesto ko 'yon." Hindi alam ni Theodoro kung matutuwa ba siya sa mga tinuran ng dalaga. Para kasing pagmamay-ari na siya nito na siya namang ikinatuwa ng kanyang puso pero bilang isang kaibigan, para siyang sinasaktan ng patalikod sa katotohanang iyon. Pero wala naman siyang magagawa tungkol sa bagay na 'yon. Doon masaya ang kaibigan, dapat lang niya ito suportahan. "Oo na. Pwesto mo 'yon," aniya. Napaatras ang binata nang dahan-dahan na humakbang palapit sa kanya si Jackie Lou habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. Ang titig na siyang nagpapahina sa kanyang buong katawan. Ang titig na nagpapakabog sa kanyang puso. Dahan-dahang itinaas ni Jackie Lou ang kanan nitong kamay sabay nito inilapat sa kanyang dibdib ang hintuturo nito. "Ayaw kong may papalit sa akin diyan..." aniya habang nakaturo ang daliri nito sa kanyang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. Napatitig siya sa mga mata ng dalaga. Lalong kumabog ang kanyang dibdib sa sinabi nito at lalong nagwawala ang puso niya nang dahan-dahan na tumingkayad ang dalaga at bahagya nitong inilapit ang bibig nito sa kanyang punong tainga. Napasinghap siya nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga at lihim na ikinuyom niya ang kanyang kamao sa kakaibang sensasyong nadarama ng mga oras na 'yon. Napapikit siya habang dinadama ang ganu'ng eksena kasama ang babaeng pinapangarap niyang makasama habang buhay. "...bilang bestfriend mo," dagdag nito na siyang biglang nagwasak sa kanyang puso. Dahan-dahan siyang napamulat at nang mapatingin siya sa dalaga ay nakita niya ang matamis nitong ngiti habang nakatingin ito sa kanya habang ang puso niya ay lihim na napunit sa huli nitong sinabi. Magkaibigan lang ba talaga ang turing nito sa kanya? Wala na bang pag-asang magiging sila? Wala na ba talagang katuparan ang pangarap niya na sana mamahalin din siya nito? Pero bago pa man makahalata ang dalaga sa sakit  na nararamdaman niya ngayon ay pinilit niyang magiging okay na para bang hindi siya apektado saka siya napatingin sa unahan. "Para mo naman akong sinasakal niyan, eh," kunwari niyang sabi. "Well, pwede ka naman magkaroon ng friend but not bestfriend. Dapat ako lang talaga ang bestfriend mo kahit na dumami pa ang mga friends mo," litanya nito habang nakatingin din sa unahan. "Oo na. May magagawa pa ba ako?" sabi niya saka niya binalingan ng tingin ang dalaga at nakita niya kung papaano ito ngumiti ng kaylaki. "Siya nga pala, kumusta ang interview mo?" pag-iiba niya ng usapan. Rumihestro sa mukha niya ang pag-aalala nang biglang tumamlay ang mukha ng kanyang kaibigan na kanina lang ay punong-puno pa ito ng energy. "Bakit, may nangyari bang hindi maganda?" tanong niya rito pero hindi umimik ang dalaga kaya napilitan na lamang siyang hawakan ito sa magkabila nitong balikat at pilit na pinaharap sa kanya. "May problema ba?" muli niyang tanong pero yumuko lang ang kaibigan. "Jack, sumagot ka naman, oh," aniya pero imbes na sagutin nito ang tanong niya, bigla itong nag-angat mukha at walang ano-ano'y bigla na lamang itong yumakap sa kanya. "Natanggap ako, Theo!" masigla nitong sabi at nagtitili pa sa sobrang saya ng nadarama. Labis naman ang pagkabigla ng binata sa ginawa nitong pagyakap sa kanya nang walang pasabi.  Habang yakap-yakap siya nito ay dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay saka tinapik-tapik ng bahagya ang likod ng kaibigan at maya-maya lang ay kumalas na rin ito mula sa pagkakayakap sa kanya. "Para talaga sa'yo 'yon," sabi niya. "Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Anna dahil kung hindi dahil sa tulong niya, ewan ko kung matatanggap ba ako." Ngumiti siya saka niya inakbayan ang kaibigan at pareho silang tumingin sa kanilang unahan. "Kung para sa'yo 'yon, para talaga sa'yo 'yon kahit pa na walang tulong galing sa iba," aniya saka pasimple niyang tiningnan ang nakangiting dalaga na nasa unahan pa rin ang mga mata nito nakatuon. "Ikaw kasi, wala ka kasing bilib sa sarili mo," sabi pa niya saka napalingon sa kanya ang dalaga at muli siyang nabigla nang muli siya nitong niyapos ng yakap. "Salamat talaga sa courage na ibinibigay niyo sa akin. Kung hindi dahil sa pagtutulak niyo sa akin, malamang hanggang ngayon hindi ko pa alam kung papaano magtiwala sa sarili," madamdamin nitong sabi saka naramdaman niya ang paghigpit ng yakap niyo sa kanya. Lihim siyang natutuwa para sa dalaga at lihim na kinikilig ang kanyang sarili para sa eksenang 'yon. Magtitiis na lamang siya kung sa ganitong paraan niya matitikman ang mahihigpit na yakap ng kanyang matalik na kaibigan. "Ma! Pa!" masiglang tawag ni Jackie Lou sa kanyang mga magulang nang naihatid na siya ni Theodoro. "Oh, bakit?" nag-aalalang tanong ng ginang sa kanya. "Tanggap na ako sa trabaho!" masaya niyang saad sa ina na siyang ikinatuwa nito nang lubos pero napatingin siya sa kanyang amang nakaupo sa wheelchair na dahan-dahan nitong ipinihit patalikod sa kanila ang sinasakyang wheelcahir. Napatingin naman ang kanyang ina sa kanyang ama kaya nakita nito ang ginawang pagtalikod ng asawa nito sa kanila. Nag-aalalang hinabol ni Jackie Lou ang kinikilalang ama at pinigilan niya ito. "Pa," sambit niya rito pero nanatiling walang imik ang kanyang ama. Nakakapagsalita na ito nang maayos pero hindi pa niyo masyadong maigalaw ang kalahating bahagi ng katawan nito pero ayon sa doktor, kapag panatilihin ang gamutan nito ay hindi magtatagal, gagaling din ang kanyang ama. Bahagya siyang lumuhod sa harapan nito para magpantay ang kanyang mukha sa mukha ng kanyang ama. "May problema ba?" tanong niya rito. "Wala. Gusto ko lang magpahinga, nak," sabi nito saka nito dahan-dahan na muling pinagulong ang gulong ng sinasakyan nitong wheelchair kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumayo na lamang para bigyan ito ng daan. Napasunod na lamang ang kanyang tingin sa kanyang ama na unti-unti na itong nilalamon ng kwarto nilang mag-asawa. Napatingin siya sa kanyang ina nang dumantay sa balikat niya ang palad nito. Pilit na ngumiti ito sa kanya. Hindi niya maiintindihan ang kanyang ama kung bakit ganu'n na lamang ang naging reaksiyon nito nang sabihin niyang natanggap na siya sa trabaho. Hindi ba ito natutuwa sa kanya? Pero bakit? Kinagabihan habang naglalakad si Jackie Lou papunta sa kanyang kwarto ay hindi sinasadyang narinig niya na nag-uusap ang kanyang mga kinikilalang mga magulang sa loob ng kwarto ng mga ito. Hindi na sana niya papansinin pero nang marinig niya ang kanyang pangalan mula sa bibig ng kanyang ina ay napatigil siya at nakinig sa usapan ng mga ito kahit na hindi magandang gawain ang makinig sa usapan ng iba. "Alam mo bang nagtataka sa'yo ang anak mo dahil sa ipinakita mo sa kanya kanina?" narinig niyang tanong ng ginang sa kanyang ama. "May problema ba, Nardo?" muling tanong ni Soledad sa kanyang asawa. "Naaawa lang ako sa anak natin," sagot nang kanyang ama. "Nag-aaral siya dapat ngayon at hindi nagtatrabaho para buhayin tayo." Talagang hindi inaasahan ni Jackie Lou na marinig niya iyon galing sa kinikilala niyang ama. "Kaya nga inampon natin siya para buhayin at paaralin, hindi para magtrabaho para sa atin," dagdag ni Nardo. "Minsan naisip kong hindi ko nagampanan ng maayos ang responsibilidad ko bilang ama sa kanya." Talagang napunit ang puso ni Jackie Lou sa kanyang narinig. Sino ba kasi ang mag-aakalang maririnig niya ang mga katagang iyon galing sa taong hindi man lang niya kaanu-ano. "Hindi ganitong buhay ang pinapangarap kong ibigay sa kanya," umiiyak na saad ni Nardo na siyang nagpaiyak sa dalaga. "Dapat ako ang nagtatrabaho para sa kanya, para sa inyo at hindi siya," madamdamin nitong saad. Agad umalis si Jackie Lou mula sa pagkakasandal niya mula sa labas ng silid ng kanyang mga magulang at dumiretso siya sa kanyang kwarto at doon siya umiyak. Hindi niya gustong marinig ang mga katagang iyon mula sa kanyang kinikilalang ama. Kahit na ganu'n ang naging buhay niya sa piling ng mga ito, hindi pa rin siya nagsisisi kung bakit sila ang nag-ampon sa kanya dahil sa simula't-sapol pa lang, alam na niyang ginawa na ng kanyang ama pati na rin ng kanyang ina ang lahat ng mga magagawa nito para bigyan siya ng magandang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD