Agad na tumayo si Manang Lydia saka ito kumuha ng pinggan ng binata. "Huwag na ho, Manang. Mamaya na po ako kakain, hindi pa naman ako nagugutom, eh," agad na tanggi ng binata pero sadyang mapilit ang mag-asawa. Si Manong Kanor na ang lumapit kay Theodoro, "Alam kong didiretso ka na sa trabaho kaya mas mainam na may laman na ang sikmura mo bago ka magsisimula sa pagtatrabaho kaya halika na." Wala nang nagawa si Theodoro kundi ang sumunod na lamang. Si Manong Kanor pa mismo ang naghila ng upuang nasa tabi ni Jackie Lou para sa binata habang si Jackie Lou naman ay napahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang kutsara. Nang nakaupo na si Theodoro sa tabi ni Jackie Lou ay lihim niyang sinusulypan ang dalaga pero wala siyang nakikitang kakaibang reaksiyon mula rito. Parehong nakikirandam s

