"Wala akong ibang hangad kundi ang makita kang masaya at nakangiti kahit na alam ko na ang kapalit nu'n ay ang kabiguan ko at walang katapusang sakit," patuloy pa niya. Napapagod na rin siya sa ganitong sitwasyon kaya siguro, this will be the right time for him to be happy and be free from any pain and heartaches pero ang mga luha niya, wala yatang kapaguran sa pagdaloy sa magkabila niyang pisngi. "Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit ngayon, Jack?" tanong ng binata saka niya pinunasan ang kanyang mga luha, "...'yon 'yong ginawa mo na nga ang lahat pero nagawa ka pa ring pagdududahan ng taong mahal mo." Jackie Lou bit her lower lips to avoid sobbing dahil sa totoo lang, nasasaktan din siya sa mga nangyayari sa kanila ngayon. Hindi pa rin niya matanggap na ang pagkakaibigan na ininga

