"Mahal din naman kita, Theo." Natigilan ang binata nang bigla niyang narinig ang boses ng dalaga. Labis ang pagtataka niya dahil papaanong nakapagsalita si Jackie Lou gayong balot na balot naman ang mukha nito ng benda at ramdam niyang wala itong malay. "Jack?" hindi niya makapaniwalang tawag sa taong nakaratay sa stretcher. "Hindi po siya. Nasa likod niyo ho," sabi ng nurse sa kanya saka lang niya napagtantong hindi nga pala ang taong nasa stretcher ang nagsalita. Dahan-dahan na pumihit patalikod ang binata saka lang tumambad sa kanyang paningin si Jackie Lou na nakatayo at nakatingin sa kanya. May bandaid ang noo nito at may benda rin ang palad nito. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa palapit dito saka unti-unti niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay at hinawakan

