Nabulabog ang tulog ni Theodoro nang biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto na para bang galit. Agad siyang napabangon saka niya hinagilap ang switch ng lampshade na nasa ibabaw ng side table na katabi lang ng kamang tinutulugan niya. Nang mabuksan na niya ang lampshade saka niya kinuha ang kanyang phone at tiningnan kung anong oras na. 10:00 na ng gabi. Halos kalahating oras pa ang kanyang tulog at sino ba kasi ang istorbong tao ang kumakatok sa pintuan niya ngayon? Naiinis na agad siyang bumaba ng kama saka niya nilapitan ang pintuan at agad itong binuksan at laking gulat niya nang tumambad sa kanyang harapan ang lasing na lasing na si Jackie Lou. "Jack?" nagtatakang tawag niya sa pangalan nito. "Hi, Theo," mapupungay ang mga matang bati nito sa kanya saka walang ano-ano'

