Kumabog ang dibdib ni Jackie Lou sa labis ng pagkabigla. Nakaawang ang mga labing napatingin si Reymart sa dalaga na ngayon ay nanginginig na sa kahihiyan. Pati na rin ang ina ni Reymart at kapatid, gulat na gulat din sa nakita at hindi rin makapaniwala. "Stop it!" sigaw ni Julie sa may control ng nasabing slideshow para ipatigil ang pag-play ng mga pictures ni Jackie Lou na nakahubad. Agad namang pinatay ng operator ang monitor pero ang intense na lumulukod ngayon sa lugar na 'yon ay hindi na mapipigilan. Agad namang napahakbang si Theodoro palapit sana sa kanyang kaibigan pero agad naman siyang hinawakan ni Anna sa braso para pigilan. "Jack?" naguguluhang tawag ni Reymart sa dalaga. "Reymart, hindi totoo 'yan," pagtatanggol ng dalaga sa kanyang sarili. Ang nakita kasi nila na na

