"Theo, bakit ngayon ka lang umuwi? Basang-basa ka pa." Nagising si Jackie Lou nang marinig niya mula sa labas ang boses ni Cristy. Napabalikwas siya nang bangon at napatingin siya sa sahig, wala pa nga si Theodoro. Dali-dali siyang lumabas para tingnan kung totoo ba ang kanyang narinig at nang makalabas na siya ay siya ring paglapit ni Theodoro sa pintuan ng kwarto nito. "Theo?" tawag niya sa pangalan nito. Mapupungay ang mga matang tiningnan siya nito saka pilit na ngumiti. "Bakit ngayon ka lang?" nag-aalang tanong ni Cristy sa anak. "M-may pumakyaw kasi sa tricycle ko kanina, Ma kaya natagalan na ako nakauwi," sagot naman nito sa ina. "Pero bakit basang-basa ka?" tanong niya saka siya napasilip sa labas ng bahay saka lang niya napagtantong umuulan pala sa labas. "Pagod na ako.

