Kalat na kalat na sa buong kompanya ang issue tungkol kina Reymart at Jackie Lou at ni minsan, hindi naman iyon itinatanggi ng binata kahit pa bawal sa kompanya ang magkaroon ng affair pero ano nga ba ang pakialam ng lahat lalo na kung sincere si Reymart sa kanyang nararamadaman para sa dalaga. Masaya naman kahit papaano si Jackie Lou sa mga nangyayari kahit na alam niyang mahirap ang magkaroon ng isang intimate connection sa isang boss. Hindi naiiwasan na pinagtitinginan siya ng iba pa niyang katrabaho at pagtsi-tsismisan pero binalewala niya ang mga iyon lalo na kapag nauungkat ang kanyang pangarap para sa mga umampon sa kanya. Mahal niya si Reymart. Yon ang totoo niyang nararamdaman peri bakit may pag-aatubili pa rin sa puso niya para sagutin na ito sa panliligaw nito? "Jack, para

