Maya Muli kong tiningnan ang sarili sa salamin. Dalawang minuto yata ang muling lumipas ay nanatili lamang ang tingin ko dito. Sinubukan kong ngumiti sa harap ng salamin. Pero taliwas sa gusto kong makita ang repleksyon ko. Kahit anong gawin kong ngiti ay kitang-kita pa din sa mga mata ko ang pagod, lungkot, at sakit. Nagpakawala ako ng sunod-sunod na malalalim na hininga bago nagpasya ng lumabas. Nakita ko si ate na inaayos ang dalang prutas sa maliit na lamesa sa gilid ng kama. Nang mapatingin ako sa gilid ay nasalubong ko ang masamang tingin ni sir Radon. Hindi ko siya masisisi kong galit siya sakin dahil sa nangyari sa anak niya. Agad akong yumuko at naglakad ulit sa dating inupuan. Napatingin pa sakin si ate nang tumunog ang upuang bakal ng maupo ako. Ramdam ko ang mga tingin ni

