Maya Napamulat ako ng mata ng biglang tumunog ang alarm sa cellphone. Agad ko itong pinatay. Nakita ko namang alas sinco pa lang ng umaga. Nang mapasulyap ako kay Tungsten ay nakita kong tulog pa siya. Napahikab ako at tumayo. Agad kong niligpit ang hinigaan at pumasok sa banyo para naghilamos at mag-ayos ng sarili. Nang matapos ay lumabas naman ako ng kwarto para bumili ng pang-agahan. Tuloy-tuloy akong lumabas sa hospital at naglakad sa sidewalk papunta sa nakitang karinderya . Dito ko piniling bumili dahil no’ng matikman ko ang mga pagkain sa canteen ay puro mga walang lasa ang binebenta nila. Magic-Sherep. Basa ko sa nakalagay na pangalan ng karinderya. Nang basahin ko naman ang nakasulat sa ibaba ng pangalan ay napangiwi ako. All in one ang sherep, pati ang tindero mesherep. Hind

