Maya
Ilang araw na ang nakakalipas magsimula nang ligawan ako ni Jherome at sa durasyon no'n ay wala akong ibang maramdaman kundi saya. Ito na yata ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. Ang dating pinangarap lang ay unti-unti ng natutupad.
Nandito ako ngayon sa isang park nakaupo sa nilatag na picnic mat. Pagkatapos niya akong sunduin sa trabaho ay dumiritso kami rito. Niyaya kasi ako ni Jherome na magdate at hindi ko alam na magpi-picnic pala kami.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nakita ko ang ilan ding nagpi-picnic na magkakapamilya at magjowa. Napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang magjowang naghalikan sa harapan ko. Umayos ako ng upo at tumingin na lang sa ilog. Nasa gilid ng ilog kami nakapwesto. Ang malaking puno ng narra ang nagsisilbing silungan.
Lumapit ako sa ilog. Sobrang linis nito kaya kitang-kita ko ang mga isdang lumalangoy. Inilublob ko ang isang kamay na agad ko ding binawi dahil sa lamig. Pinunasan ko ang basang kamay ng tissue bago hinawakan ang buhok na nililipad ng hangin. Nakalimutan ko kasing magdala ng panali.
Napatingin ako sa relong pambisig at nakita kong lumipas na ang sampung minuto.
Iniwan ako sandali ni Jherome dahil may kukunin daw siya at hanggang ngayon ay hindi pa din siya nakakabalik. Hindi ko alam kung anong nakalimutan niya. Nandito naman ang basket kung saan nakalagay ang mga pagkain. Ang picnic mat andito din.
Hindi naman siguro niya ako iniwan diba?
Hindi ko maiwasan ang mag-isip ng hindi maganda.
Bawat minutong lumilipas ay unti-unti ding umuusbong ang pagkadismaya sa akin. Unti-unting naninikip ang dibdib ko kaya ilang beses akong napabuntong-hininga. Sinubukan kong mag-isip ng positibo. Baka may kinuha lang talaga sa sasakyan o kaya may nadaanang kakilala kaya natagalan. Tama ganyan nga. Tiwala lang Maya. Tiwala lang.
At noong akala ko iniwan na niya ako ay siya naman ang pagbalik niya. Nakita ko siyang tumatakbo sa di kalayuan. May hawak itong isang gitara at bungkos ng bulaklak. Hinihingal pa siya nang makalapit.
Tumayo ako at hindi na napigilan ang sariling lapitan siya at yakapin. Nawala din ang bigat na nararamdaman kanina. Tila nakahinga ako ng maluwag.
"May pawis ako Maya." Sabi niya at akmang ilalayo ako sakaniya pero hindi ako nagpatinag at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap. Ayokong bumitaw. Gusto kong manatiling ganito. Ganitong hawak ko siya, dahil sa ganitong paraan mawala lahat ng agam-agam ko.
"Nakakainis ka! Akala ko iniwan mo na ako!" Sumbat ko sakaniya at hindi na mapigilan ang luha sa pag-agos. Natakot ako. Natakot akong baka iniwan niya ako. Natakot akong baka nagsawa na siya sa'kin at narealize niyang hindi pala ako worth it sa time at atensyon niya. Na nakakasawa pa lang ligawan ang isang tulad ko.
"Bakit mo naman naisip 'yan? Hindi kita iiwan."
Inakay niya ako paupo pabalik at naglabas ng panyo para punasan ang mukha ko. Pero bago 'yon ay tinalian muna niya ang buhok ko gamit ang manipis na panali na suot-suot niya. Nang maitali ang buhok ko ay sinunod naman niya ang pagpunas sa mukha ko.
Sinubukan kong kunin sakaniya ang panyo dahil nakakahiya pero inilayo niya lang at pinagpatuloy ang pagpunas sa'kin kaya wala akong nagawa at hinayaan na lang siya.
"Tahan na. Nag renta lang ako ng gitara at bumili ng bulaklak kasi nalanta 'yong binili ko kanina."
Ramdam ko ang medyo magaspang niyang kamay sa mukha ko habang nagpupunas. Pero magaan ang hawak niya at wala akong maramdamang pwersa na para akong isang babasaging bagay.
Kinuha niya ang gitara sa gilid nang matapos siya sa pagpunas sa luha ko at nilagay sa hita.
"Tutugtog ka?" Tanong ko kahit halata naman. Kinakabahan kasi ako. Pasalamat nga ako at hindi niya narinig ang malakas na pintig ng puso ko no'ng niyakap ko siya.
Tumango siya at ini-strum ang gitara.
"Kakantahan kita."
Patuloy lamang siya sa pag-strum ng gitara at maya-maya'y isang pamilyar na tunog ang namayani sa paligid.
"Nahulog sa 'yong mga mata
Tila ba'y 'di na makawala"
Dalawang linya pa lang ang kinakanta niya ay hindi ko na mapigilan ang paghanga. Ang ganda ng boses niya! Malamig at malalim na may pagka raspy. Nakakabighani.
Tumingin siya diritso sa mata ko. At wala akong ibang makita kundi ang kaseryosohan at senseridad.
Napahawak ako sa may dibdib. Ramdam ko ang malakas at mabilis na pintig nito at kulang na lang ay lumabas sa dibdib ko. Ang pisngi ay muling nag-init at alam kung pulang-pula na ako. Ito ang unang beses na maharana ako kaya hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kung gawin. Kung ngingiti ba o luluha dahil sa sayang nararamdaman.
Ano bang ginawa mo sa'kin Jherome? Ba't mo ako pinapakilig ng ganito.
"Nais ko lang ay magtanong
Maaari bang humingi ng pagkakataon?
Na mahawakan ang 'yong mga kamay
At sa awitin na 'to tayo'y sasabay
Ikaw lang ang pipiliin, oh, wala nang iba
Ikaw ang panalangin na makasama hanggang sa pagtanda
At lagi kong uulitin, ipapaalala sa 'yo
Ikaw ang panalangin, ikaw ang panalangin
Doo-do-do, do-do-do, do-do-do
Doo-do-do, do-do-do, do-do-do
Pangakong ika'y aalagaan
Ibibigay lahat, pati ang buwan
At sa ilalim nitong mga bituin
Ay aaminin na ang tunay na pagtingin
At hahawakan ang 'yong mga kamay
At sa awitin na 'to tayo'y sasabay
Ikaw lang ang pipiliin, oh, wala nang iba
Ikaw ang panalangin na makasama hanggang sa pagtanda
At lagi kong uulitin, ipapaalala sa 'yo
Ikaw ang panalangin, ikaw ang panalangin" He keep on strumming the guitar habang nakatitig parin sa mga mata ko. Hindi niya nilulubayan kahit na ilang beses ko nang iniiwas ang paningin ko.
"Ikaw lang ang pipiliin, oh, wala nang iba
Ikaw ang panalangin na makasama hanggang sa pagtanda
At lagi kong uulitin, ipapaalala sa 'yo
Ikaw ang panalangin, ikaw ang panalangin
Ooh-oh, wala nang iba (wala nang iba)
Ang panalangin ko na makasama hanggang sa pagtanda
At lagi kong uulitin, ipapaalala sa 'yo
Ikaw ang panalangin (ikaw ang panalangin)
Ikaw ang panalangin (ikaw ang panalangin)
Ooh-oh-oh"
"Ikaw ang panalangin...kaya kung bibigyan mo ako ng permiso na maging akin ka, aalagaan kita at pasasayahin bawat minutong tayo'y magkasama binibini." Dugtong niya nang matapos ang kanta. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng kamay ko. Ramdam ko sa boses niya ang senseridad sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Ba't ang makata mo ngayon?" Hindi ko mapigilan ang ngiti kasabay ng pag-agos ng luha. Ang swerte ko. Hindi ko alam kung anong ginawa kong kabaitan para bigyan ng ganito ng Diyos.
"Para mas dama mong seryoso ako sa'yo."
Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Nagwala muli ang puso ko. Para akong naha-hyperventilate sa bilis ng pintig nito.
"Tama na"
"Huh? Anong tama na? Pinapatigil mo ba ako sa panliligaw sa'yo? Ayoko!"
"Hindi. Pinapatigil kita sa pagsabi ng kung anu-ano kasi..."
"Kasi?"
Ngumuso ako at napayuko bago nilaro ang mga daliri. "Kasi kinikilig ako." Mahina kung sabi.
"Kinikilig ka?"
"Oo!" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses dahil sa hiya.
"Ba't ka sumisigaw?"
"Ikaw kasi!"
"Hahaha. 'Yon naman talaga ang gusto ko, ang pakiligin ka para mas lalo kapang mahulog sa'kin." Kumindat pa siya sa'kin kaya mas lalo akong namula.
Hindi mo na kailangan gawin ang mga ito Jherome dahil wala ka pang ginagawa, hulog na hulog na ako.
"Jherome ha!"
Lumipas ang oras na inaasar niya ako. Mukha daw akong kamatis dahil ang pula ng mukha ko. Kasalanan naman niya kung bakit ang pula ko!
Hindi ko naman siya pinapansin at nagkunwaring naiinis pero no'ng tinusok niya ang beywang ko gamit ang daliri niya ay napatili ako kaya binigyan ko siya ng masamang tingin. Ngumiti lang siya sa'kin at tumakbo palayo kaya hinabol ko siya.
Tawa lang kami nang tawa ng mga sandaling 'yon habang naghahabulan paikot sa park. Para kaming mga naglalandiang teenager kung umasta.
Nang mapagod ay naupo uli kami sa picnic mat at kumain.
Ganun lang ang nangyari sa date namin. Cliche man para sa iba pero para sa katulad kong hindi pa nakakaranas ng ganito ay malaking bagay na to sakin. Simple man pero ang importante ay masaya kami. Ang importante mahal mo ang kasama mo.
Nakasakay na kami sa kotse pauwi. Pareho kaming tahimik. Siguro dahil sa pagod sa pinaggagawa namin kanina.
Sino ba naman ang hindi mapapagod kong halos malibot namin ang buong park kakatakbo.
Hindi ko na naman maiwasan ang hindi mapangiti pag naiisip ang nangyari kanina. 'Yon ang unang beses na lumabas ako para makipag date dahil wala namang nagyayaya sa'kin noong high school. Kaya thankful ako kay Jherome dahil pinaranas niya sa'kin to.
"You're smiling. Anong iniisip mo?"
"Iniisip ko lang ang nangyari kanina."
"How about that?"
"Wala naman. Masaya lang ako. Ikaw masaya ka ba?"
"Sobra, Maya. You don't know how happy I am right now."
Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko at dinala papalapit sa labi niya at hinalikan.
Isa sa napapansin ko kay Jherome ay ang hilig niyang humalik sa kamay ko. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko din naman. Parang ang laki kasi ng respeto sayo ng lalaki pag likod ng kamay mo ang hinahalikan.
Ngumiti pa siya sa'kin bago nag-iwas ng tingin. Ang kamay ko ay hindi niya binitiwan at pinanatili ang hawak habang nagmamaneho.
Napangiti din ako at mahinang pinisil ang kamay niya.
Hindi mo din alam kung gaano ako kasaya Jherome. Sobrang saya na para akong nakalutang sa alapaap.