Maya
Tumingin sa direksyon ko si Jherome at hindi ko mapigilan ang panginigan ng tuhod noong magtagpo ang mga mata namin. Lumalakas na din ang t***k ng puso ko lalo na no'ng bigyan niya ako ng matamis na ngiti.
Napalunok ako at napakuyom ng kamay, pilit binabalanse ang sarili dahil ramdam kung ano mang oras ay sasalampak na ako sa sahig dahil sa kaba at kilig na nararamdaman.
Agad akong humawak sa may counter, para suportahan ang sarili.
"Good morning, Maya." Sabi niya gamit ang malalim at paos niyang boses.
Tumikhim muna ako ng isang beses bago siya sinagot.
"G-good morning sir." sabi ko at tiningnan siya pero agad din akong napaiwas noong magtama muli 'yong tingin namin. 'Ba't ba siya nakatingin? Naman! Para na akong naghahyperventilate dito dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.'
"A-ano...ano po palang kailangan niyo saakin?"
"Nothing. I just want to see you." Kaswal na sabi niya. Ramdam ko namang uminit ang pisngi ko sa narinig.
Gulat akong napatingin sakaniya at pati ang mga kasama ko ay napatigil din sa ginagawa at tiningnan si Jherome. "H-huh?"
"You're blushing Maya. So cute."
Inilapit niya ang sarili niya saakin at kinurot ng mahina ang pisngi ko. At dahil sa ginawa niya ay mas naramdaman ko ang pamumula ko.
'Ano bang nangyayari sakaniya? Hindi naman siya ganito dati.'
"Oh Sir Tungsten. Anong nangyari sa'yo? Ba't nakasimangot ka?" Tanong ni kitty na nasa tabi ko na pala, hindi ko man lang napansin— dun sa bagong dating na lalaki. Tiningnan ko naman ang lalaki at napataas ang kilay ko no'ng makita kong siya din 'yong kanina.
Pinasadahan ko pa ng tingin ang tinawag na 'Tungsten' ni Kitty. Pamilyar sakin ang mukha niya. Pakiramdam ko nakita ko na siya—oo tama siya nga. Iyong naghatid sakin ng gamot no’ng isang araw.
Pero ang weird ng pangalan niya ah. Tungsten. Periodic element? Pft.
Napataas ang tingin niya mula sa pagkakatingin sa cellphone. Nakakunot ang noo na parang may kaaway. Agad nagkasalubong ang tingin naming dalawa pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. Inabot niya ang menu na nakalagay sa gilid.
"Wala." Bored na sabi niya at naglakad na paalis bitbit pa rin ang menu at umupo sa isang upuan.
"Ah sir Jherome kakain ka ba?"
"Yeah. The usual."
"Oh maya narinig mo iyon. Ikaw na ang bahala sa order ni sir Jherome." Sabi ni kitty at tiningnan ako habang may malaking ngising nakapaskil sa labi, nanunukso. Inaasar na naman niya ako.
"S-sige pakihintay nalang po ng order niyo sir J-jherome."
"Okay." sabi niya at naglakad na sa isang table kung saan siya laging pumupwesto pag kumakain dito.
Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at hinanda na ang order niya. Isang kanin, kare-kare at adobo lang ang hinanda ko dahil 'yon ang paborito niyang kainin. Nang matapos ay hinatid ko na 'to sa kaniyang mesa.
Ingat na ingat akong hindi magkamali ng galaw, nanginginig kasi ang mga kamay ko. Idagdag pang nakatingin lang siya saakin at pinagmamasdan ang ginagawa ko. Akma pa nga siyang tutulong ngunit tumanggi ako.
Nang matapos ay yumuko lamang ako gaya ng lage kong ginagawa sa ibang costumer.
"Enjoy your meal sir."
"I will. Thank you." Ngumiti siya saakin kaya ngumiti din ako pabalik at tumalikod na.
Ilang minuto lamang ang nakakalipas mula ng ihatid ko sakaniya ang pagkain niya ng makita ko siyang tumayo habang nakalagay ang telepono sa tenga. Lumapit siya sa may counter kung saan naroon din ako at naghihintay sa order no'ng isang costumer.
"Yeah. Papunta na ako." Narinig ko pang sabi niya bago siya makalapit.
Inilabas niya ang mamahalin niyang wallet at naglabas ng lilibohing pera at inilapag sa counter. "Keep the change."
"See you later, Maya." Sabi niya nang balingan niya ako bago kumaway at naglakad na palayo.
Tumango lang ako sakaniya kahit na nagtaka ako sa kaniyang sinabi.
Nang makaalis na si Jherome ay wala sa hulog na inilibot ko ang paningin ko, may nararamdaman na naman kasi akong tumitingin. Nakasalubong ko naman ng tingin si Tungsten nang sakto niyang itaas ang tingin mula sa pagtingin sa menu.
"Sino 'yan?" Tanong ko kay Janine no'ng makaalis na si Jherome bago pasimpleng tinuro si Tungsten na kasalukuyang nakaupo sa isang table.
"Ah iyan ba? Step son 'yan ni ate Taya. Anak nung AFAM sa dating asawa."
"Oh?"
"Oo. Guwapo no?"
"Pwede na." Kibit balikat kung sabi. Agad naman niyang hinampas ang balikat ko.
"Grabe ka naman. Palibhasa puro ka Jherome kaya hindi mo na-aapreciate ang kagwapohan ng iba."
"Tumahimik ka nga Janine baka may makarinig saiyo, ano pang iisipin."
"Ah sus. Umamin kana kasi sakaniya. Nako pag ikaw naunahan, iiyak ka talaga."
Umiling nalang ako sakaniya at ngumiti ng pilit.
'Paano kasi ako aamin kung makaharap ko lang siya ay nauutal na ako. At saka nahihiya din ako dahil baka pagtawanan niya ako. Sino ba naman kasi ako. Ang dami kayang nakapaligid sakaniyang mga magagandang babae, mayayaman pa. Kaya tama na, okay lang naman saaking tingnan lang siya sa malayo. Masaya na ako do'n.'