Kabanata 8

1849 Words
Maya "Thank you Jherome." Sabi ko at lumabas na sa nakabukas na pinto ng sasakyan. Ngumiti naman siya saakin bago sinarado ang sasakyan. "You're welcome." Binuksan niya ang likudang pinto ng kotse at may kinuha. Tiningnan ko naman ang relong pambisig at nakita kung may limang minuto pa ako bago magsimula ang trabaho ko. Nang ibaling ko kay Jherome ang paningin ay nagulat ako dahil imbes mukha niya ang makita ko ay isang bungkos ng bulaklak ang bumungad saakin. "For you." Inabot ko ang bulaklak at nagpasalamat. Hindi ko maiwasan ang hindi ngumiti at pasimpleng amoyin ang bulaklak. Ang bango. "I want to talk to you more Maya but I still have a meeting to attend. I'm sorry." "Ano ka ba okay lang naiintindihan ko. Sige una kana baka malate ka pa sa meeting mo." Sabi ko at ngumiti. "Are you sure? Pwede ko naman sabihan 'yong sekretarya kung—" "Ano ka ba Jheromw. Okay lang okay? Tsaka magsisimula na din naman ang trabaho ko maya-maya." "Okay. Promise babawi ako." Tumango lang ako sakaniya at ngumiti. Nung akala ko ay aalis na siya ay nagulat ako dahil bigla nalang siyang yumuko at hinalikan ako sa noo. Hindi ko maiwasan ang hindi pamulahan sa ginawa niya. "Sorry. I just can't help it. Did I make you uncomfortable?" Umiling ako habang hindi nakatingin sakaniya. Ayaw kung tumingin. Baka makita niya yung namumula kung mukha. Akalain pa niyang ang easy to get ko. "Look at me Maya." Sabi niya pero hindi ako nakinig at pinanatili lang yung tingin ko sa gilid. Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Tell me, did I offend you? I'm sorry if I kissed you without your permission. I'm sorry if I crossed the boundaries. I just can't help it Maya especially if you're blushing like that. You're so beautiful." Nang marinig ko 'yon ay mas naramdaman ko pa ang pamumula ng mukha ko. 'Yong ngiting pinipigilan ay umalpas na. Ramdam ko din ang malakas na pagtibok ng puso ko na kulang nalang ay lumabas sa dibdib ko. "Jherome..." "Hmm?" Umiling ako dahil wala naman akong sasabihin. Gusto ko lang tawagin 'yong pangalan niya. Gusto kong marinig siyang sumagot habang tinatawag ko ang pangalan niya dahil baka panaginip lang to o ilusyon. Na totoo 'to at hindi lang gawa-gawa ng isip ko. Nawala ako sa pag-iisip at napatingin sakaniya ng hawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry if I crossed the boundaries. Alam kung ito ang unang araw ko sa panliligaw sayo pero hinalikan parin kita ng walang permiso. So I'm sorry, I should've take it slow. Kaya kung may nagagawa man o may magagawa man akong hindi mo gusto sabihin mo sa'kin at ititigil ko." "Okay lang Jherome. Ano...hindi lang ako sanay." Nakakaintinding tumango siya saakin. Bubuka na sana ang bibig niya para sana may sabihin pero hindi ito natuloy dahil nagring ang cellphone niya. Inilabas niya ang cellphone niya mula sa bulsa at binasa ang text. Nakita ko pa ang biglang pagkunot ng noo niya nang mabasa ang kung ano mang laman ng mensahe. Umiwas ako ng tingin dahil baka isipin niyang nakikiusyoso ako. Tiningnan ko na lang ang relong pambisig at nakita kung dalawang minuto na lang at magsisimula na ang trabaho ko. At ngayon ko lang din naalala na may meeting nga pala si Jherome. "Maya I need to go. There's an emergency. I just call you later." Sabi niya na kababakasan ng pagmamadali ang boses. Tumango naman ako at ngumiti. Nagmamadali itong naglakad pabalik sa sasakyan pero bago pa niya buksan ang pinto ay tumingin pa siya saakin at binigyan ako ng isang ngiti. "See you Maya. Take care." "I-ikaw din ingat." Nauutal kong sabi. Tumango lamang siya at kumaway bago pumasok sa kotse at nagsimulang magmaneho. Sinundan ko lang ng tingin ang papalayo niyang sasakyan. Gusto ko pa sana siyang makausap pero pinigilan ko na ang sarili ko lalo pa't kanina ko pa napapansin ang pagmamadali niyang kilos. Hindi niya lang sinasabi saakin. Nang hindi kona makita ang kotse niya ay pinasya ko ng pumasok sa restaurant. Nanunuksong tingin ang bumungad saakin nang makapasok ako sa locker room. "Naks naman! May pabulaklak." Tukso ni Janine na kasalukuyang nagmamake-up. Binalingan niya ako ng nanunksong tingin at gamit ang hawakan ng make up brush ay tinusok niya ako sa beywang. Umiwas naman ako sakaniya habang pilit pinipigilan ang ngiti pero kahit anong gawin ko ay hindi ko pa din mapigilan. Nag-uumapaw talaga yung nararamdaman kung saya at kilig. "Sana all talaga. Kung hindi ganyan ang future manliligaw ko ay nako, 'wag nalang siya manligaw. " sabi naman ni kitty na parang may pinanghuhugutan. Sakto naman na bumukas ang locker room no'ng mga lalaki at lumabas sila Jarvey. Agad itong ngumiti ng pang-asar kay kitty at nilapitan. Narinig yata 'yong sinabi ni Kitty. "Sus ikaw naman maylabs kung yan pala ang gusto mo sana sinabi mo, edi sana nabigyan kita ng sampaguita." "Sampaguita? Ano ako poon?" "Mylabs! Hindi ka poon okay, dahil mukha kang demonyo hahaha!" "Abat! Gago ka talagang lalaki ka!" Agad namula sa inis ang mukha ni Kitty at sinamaan ng tingin si Jarvey. Ngumiti lang sakanya ng pang-asar ang huli at gaya ng dati ay nagsimula na naman silang maghabulan dalawa paikot sa loob ng locker room. May hawak ng walis tambo si kitty at hinahabol ang tumatawang si Jarvey. Napailing na natatawa nalang ako sakanila. Kahit kailan para talagang mga aso't-pusa. Ngumiti lang ako kay Janine ng mabaling ang tingin ko sakaniya na agad din naman niyang sinuklian ng ngiti bago nagsimula ng mag-ayos. Inilagay ko ang bulaklak sa locker at sinigurado kung nakapwesto ito ng maayos para hindi ito masira. Mag aalas-otso na ng gabi at naglalakad na ako pauwi. Natagalan ang out ko dahil sa dami ng customer kanina. Iba-iba kasi ang pasok sa umaga at gabi. Hindi na ako nagpasundo kay Jherome kasi may meeting pa siya at may dadaan pa ako sa convenience store para bumili ng stock ko sa bahay, gustuhin ko mang sa mall na bumili pero baka wala nang bukas ngayon. Nang makarating ako sa convenience store ay binili ko na ang mga kailangan ko. Mahigit 15 minutes siguro ang tinagal ko sa pamimili bago ako nagpatuloy sa paglalakad pauwi. Hindi naman kasi karamihan 'yong binili ko dahil baka kulangin ako sa budget, kumbaga 'yong pinakaimportante lamang ang binili ko. Napahikab ako dahil sa antok. Tiningnan ko ang relong pambisig at nakita kung malapit ng mag alas nuwebe ng gabe kaya naman binilisan ko pa ang paglalakad. Ilang kilometro na yata ang nalalakad ko ng may bigla akong naramdamang kakaiba. Parang may nakatitig saakin. Inilibot ko ang paningin sa madilim na kalsada, nagbabakasakaling may makita akong tao. Pero wala akong makitang iba kundi ako lang. Ngayon ko lang din napansin na nakatayo na ako sa madilim na parte ng kalsada. Pundi ang mga ilaw at tanging ang buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Wala din masyadong bahay at puro mga talahib ang nakikita ko sa paligid. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga at hinimas ang braso nang umihip ang malakas na hangin bago nagpatuloy sa paglalakad at isinawalang bahala ang nararamdamang titig. Nakakapaso! Nakakapaso ang kaniyang mga titig. Na kahit hindi ko siya nakikita ay nanunuot parin sa kaibuturan ko ang titig niya. Ito ang kinakatakutan ko pag late ang out ko hindi lang dahil sa nadadaanan kung mga tambay kundi dahil sa kailangan kong dumaan sa parteng ito ng kalsada. Bakit kasi hindi nilalagyan ng ilaw ang parteng to ng kalsada? Nakakatakot tuloy dumaan. At malas pa dahil hindi ko na charge yung cellphone ko. Nagmamartsang nagpatuloy ako sa paglalakad pero hindi pa ako nakakalayo ay muli akong napatigil dahil sa naramdamang presensya sa likod ko. Lumunok muna ako ng isang beses bago tumingin sa likuran. Nang wala akong makitang tao ay nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy muli sa paglalakad. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng mapatigil na naman ako dahil sa mga hakbang na naririnig ko sa likod. Mahina lamang ang tunog ng bawat yapak ng taong yun na halos hindi mo na marinig dahil sa sobrang hina pero dahil tahimik ang paligid ay rinig na rinig ko 'yon. Pero no'ng tumigil ako ay tumigil din ang taong 'yon. Pasimple kung tiningnan ang gilid ko at napahugot nalang ako sa hininga ng makakita ng isang anino ng tao. Malakas na tumambol ang kaba sa dibdib ko. Nararamdaman ko na din ang unti-unting pamamawis ng mga palad ko. Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili. Baka nagkataon lang. Hindi lang naman ako ang pwedeng dumaan dito. Oo tama! Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili kung nagkataon lang ay hindi ko pa din magawang pakalmahin ang sarili. Kaya kahit nanginginig ang mga paa ay pinilit kong ihakbang ito. Ngunit ilang hakbang palang ang ginagawa ko ay napatakbo na ako sa takot. Tila bumalik na naman sa isip ko ang mga alaalang pilit kung ibinabaon sa limot. Ganitong-ganito din ang nangyari sa'kin no'ng unang araw ko sa trabaho. Dahil late din ang out ko no'n ay gabi na akong nakauwi at sa kamalas-malasan ay may nadaanan akong mga lasing na kalalakihan at muntik na akong magahasa mabuti na lang at may dumating para tumulong sa'kin. Kaya grabe ang takot ko dahil baka sa puntong to wala ng tutulong sa'kin. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo no'ng maramdaman kung tumatakbo din pasunod ang taong 'yon sa'kin. Kipkip kona ang bag ko habang tumatakbo. Ang pawis ay sumasabay sa pagpatak sa luha na hindi ko na naramdamang umaagos na pala dahil sa nararamdamang takot. Takbo lang ako ng takbo at hindi ko na alintana kahit pa nahuhulog na ang ibang mga pinamili ko. Ang gusto ko na lang ay ang makauwi na. Ilang minuto na ang natatakbo ko at nakikita ko na ang kanto papunta sa bahay nang sa kamalas-malasan ay nadapa ako. Naman lampa ka self!Bakit ngayon pa ako minalas. Bakit kapag may ganitong pangyayari ay palaging may nadadapa? Hindi ba pwedeng diritso na lang sa pagtakbo? Hindi 'to palabas sa TV! Pinapagalitan ko pa ang sarili ko ngunit napatigil ako dahil sa nakitang sapatos sa harap ko. Nanlalaki ang matang tiningnan ko ang may-ari no'n. Mula sa sapatos niya, sa maong na pants, hanggang sa itim niyang t-shirt. Nang itaas ko pa ang tingin sa mukha niya ay wala akong makita. Dahil sa dilim ng paligid. Pero nang mapagtanto kung siya 'yong sumusunod sa akin ay napausog ako palayo habang sumisigaw. "Please! Wag ho! Maawa ka! Bata pa ako kuya. Ayaw ko pang mamatay! " Sigaw ko sa taong 'yon. Umuklo pa ako sa mga tuhod ko at yinakap ang katawan na parang sa paraang 'yon ay mapo-protektahan ko ang sarili ko habang patuloy parin sa pag usog palayo sa taong 'yon habang umiiling-iling. "Para kang tanga." Huh? Dahan-dahan kung tinanggal ang pagkakauklo at tiningnan ang taong nagsalita. Nakatayo parin siya sa tapat ko pero ang kaibahan ay may hawak nang cellphone kaya naman lumiwanag ang paligid. Nang aninagin ko ang mukha niya ay napakunot-noo ako. Siya iyong sinasabi ni Janine kanina na step son ni ate Taya. "T-tungsten?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD