MARGARETTE POV “You’re bullshít!” sigaw ni Lucas sabay hampas sa ulo ni Marcus dahilan upang bumulagta ito, at tumama naman ang bala sa sasakyan. “Lucas,” kabadong sambit ko. Nangininginig ako na ‘di ko maintindihan dahil sa dugong nakita ko. Naaalala ko kasi no’ng time na nakunan ako. “Halika na, Margarette,” saad ni Lucas nang lumapit ito at hinila na ‘ko patungo sa kotse. Pinagbuksan ako nito ng pinto. At pumasok na kami sa loob nang makarinig kami ng putók ng baríl dahilan upang kabahan na naman ako. “Bilisan mo na, Lucas,” kabadong saad ko’t pinaharurot na nito ang kotse. “Ano ba talaga nangyari, Margarette? Ba't napadpad ka ro’n?” muling tanong sa akin ni Lucas. “Ni–kidnap ako ni Diana, kasama ng dalawang maskuladong lalaki. Tumakas ako dahil baka kung anong gawin nila

