MARGARETTE POV “Di–Divorce paper? Ba–Bakit may ganito si Dreydon?” takang sambit ko. Inayos ko na ang mga ito at iniligpit sa loob ng suitcase nang marinig ko ang boses ni Diana. “Muchacha, dalhan mo kami ng alak dito, bilisan mo!” maawtoridad na utos nito, kaya iniligpit ko na ang suitcase at inilagay ko ito sa sofa. “Ano ba, Margarette! Kasing kupad mo talagang kumilos ang pagong! Dalian mo na dahil inom na inom na kami!” narinig kong sambit naman ni Dreydon. Tinungo ko na ang kusina, at kumuha ako ng alak. Inilagay ko ito sa tray kasama ng wine glass, at kumatok ako sa pinto. “Bukas ‘yan, kaya pumasok ka na, hindi ‘yong kakatok ka pa,” gagad naman ni Diana. Binuksan ko na ang pinto nang kuwaro nila, at naabutan kong nakapatong si Dreydon kay Diana. Nakakumot ang mga ito ha

