MARGARETTE POV “Gumising ka na’t magluto ka na dahil anong oras na! Hindi ka prinsesa’t mayaman para bumangon ng ganitong oras,” gagad sa akin ni Diana na binuhusan ako ng tubig, kaya naman nagulat ako. “Ano bang problema mo, Diana? Puwede mo naman akong sabihan ng maayos, hindi ‘yong kailangan mo pa ‘kong buhusan ng tubig,” gagad ko. “Ikaw? Sabihan ko ng maayos? Tsk! Huwag kang umasa na gano’n ang gagawin ko, Margarette. At isa pa’y muchacha ka namin ni Dreydon dito, kaya magluto ka na kung ayaw mong mainit na tubig ang ibuhos ko sa ‘yo,” asik ni Diana sa akin at lumabas na ito. Tumingin ako sa orasan, at alas diyes na pala. Wala na rito si Dreydon, at siguro’y kaninang madaling araw siya umalis. Ngunit nagtataka ako dahil suot na ‘kong panty at ang pantulog ko. Si Dreydon siguro a

