MARGARETTE POV “You’re alone, My Ex–wife,” bulong ni Dreydon sa akin dahilan upang mapasinghap ako ng hangin. Bahagya akong lumayo sa kanya, pero lalo pa niyang inilapit ang katawan niya sa akin. “Ba’t parang takot na takot ka?” pausan pang wika niya. “Hindi ako natatakot, Dreydon. At lumayo ka nga dahil baka makita pa tayo ng ilang nakakikilala sa akin dito,” protesta ko. “So? Ano naman ngayon kung makita nila tayong dalawa? Natatakot ka kay Vince, ha? At ba’t ‘di mo siya kasama ngayon? Siguro dahil alam mong pupunta ako rito, kaya pumunta ka rin, ‘no?” ngisi niya dahilan upang magsalubong ang kilay ko. “Kaunti pa naman siguro nainom mo para gan’yan ang sabihin mo, ano? At at hindi pa naman new year, pero malakas na ang hangin,” inis na sambit ko. “Tsk! Ba’t ‘di mo na lang aminin

