“A–Ano? Anong sabi mo, Josie?” pag–uulit na tanong ko’t nagsimula na ‘kong umiyak. “Patáy na si Lucas, Margarette. At ikaw ang sinisisi ng magulang niya kung ba’t namatáy siya dahil nga gusto ka ni Lucas,” pahayag nito, kaya hindi na tumigil sa pagluha ang mga mata ko. Nagpaalam na sa akin si Josie, at ito naman ako na iyak nang iyak. Hindi ko lubos maisip na sa pag–alis ko’y may nawalang isang buhay dahil sa akin. Siguro, kung nagpaalam ako ng maayos kay Lucas ay buhay pa siya ngayon. Pero pa’no ko gagawin ang bagay na ‘yon dahil ni cell phone ay wala akong kadala–dala no’ng umalis ako sa bahay ni Dreydon. “Lucas?” wala sa sariling sambit ko. “Lucas,” hikbi ko na’t niyakap ko ang unan ko. “Margarette,” narinig kong tawag sa akin ni inay, ngunit ‘di ako sumagot. “Margarette,” sam

