BRYLLE MONTEVERDE (POV) Excited akong sumama kila mommy at daddy papunta sa bahay ng kaibigan nila, sa cavite city. first time ko makapunta doon. Maraming nagsasabi na na may mga nakatagong magagandang ilog sa lugar na iyon. Ang sabi ni mommy lilipat na daw kami sa bagong bahay na pinatayo nila malapit doon sa bahay ng kaibigan nila sa Cavite. Nag kasakit kasi si mommy, kaya gusto ni daddy na malayo sa pollution dito manila para makalanghap daw ng sariwang hangin si mommy. Namangha ako nang makita ko ang three-story na bahay na pinatayo ni dad, Pag pasok namin sa loob ay kita mo agad ang malawak na sala at sa may kanang pinto naman ay ang dirty ketchen na paboritong lugar ni mommy. May dalawang kwarto din sa baba na para mga bisita pag gusto nilang mag overnight dito. Sa likod naman na

