Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan ni Brylle, habang binabalagtas nila ang daan pauwi. Nang marating nila ang bahay ay mabilis siyang lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. "Baby.." Tawag sa kanya ni Brylle pero di niya ito pinansin, umakyat na siya kanilang kwarto at dumeretso sa banyo upang maligo. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya ng banyo, Nakita niya si Brylle na naka upo sa sofa habang naka yukong sinasabunotan ang ulo nito. Pumasok siya ng walking closet upang magbihis ng damit. "Chelle please kausapin mo muna ako." Hinarap niya ito. "Sige Brylle, sabihin mo nga sa akin. Ano ang pagkukulang ko ha? Yang putang inang s*x na yan, na hindi ko na ibigay sayo, nakaya hinanap mo sa iba? Hindi ko maibigay sayo kaya ba nag naghanap ka?"

