"Kung ano ano ang iniisip mo sa mga bata." sita ko sa kanya. "Believe me, baby, ganyan na ganyan ako tumingin sayo noon at kung gaano kita ka gustong protektahan. Nakikita ko ang sarili ko noon sa anak natin." seryoso niyang saad sa akin. "Iha papasok na muna ako sa kwarto ko. Mamaya na lang tayo mag usap tungkol kay Sunshine at sa kanyang ama." saad ni tita Belinda at humugot ng malalim na hininga. "Sige po tita, mag pahinga na po muna kayo sa taas tatawagin ko na lang po kayo kapag kakain na." sagot niya sa tita Belinda niya. Umakyat na din kami ni Brylle para tignan ang mga bata sa taas. Nadatnan namin ang dalawa na nag ku- kwentohan. "What happened to dada, shine? And where is Mommy Jackie?" narinig nila na tanong ni Bryce kay Sunshine. "I also don't know what's happening to Da

