Mabilis lumipas ang buwan naging maayos ang pagpasok ni Bryce sa school ng st. Benedict at ganun din ang pagpapatayo niya ng kanyang coffee shop. Bukas na rin gaganapin ang pagbubukas nito. Sobrang saya niya dahil matutupad na ang isa sa mga pangarap niya ganun din naman si Brylle sa kanya. Nakakatuwang isipin na unti unti na niyang nakakamit ang kanyang pangarap at isa na lang ang kulang, yun ay ang makapagtapos siya sa kursong gusto niya. Napatingin siya sa kanyang cellphone na may tumawag. Napakunot noo siya nang makita unknown number lang ito. "Hello?" tanong niya sa kabilang linya. "H-hello, Chelle-" paos na sagot nito at halatang galing sa pag iyak. "Yes, who is this?" tanong ulit niya. "It's me… j- jackie" nauutal na saad nito. "Jackie?" "Pwede ba tayong mag usap na dalawa? K

