Chapter Six
Halos kakaayos lang ng mga grocery pinamili niya nang biglang tumawag ang DOSM niya.
“Hi Ma’am, how may I help you?”
“Hi Ella, are you okay to meet me here sa Coffee Library malapit sa inyo? Just need you to sign some important documents and I have to give you something na din.”
“Sure Ma’am, I’ll be there within 5 minutes.”
“So Ma’am what is this one?” curious na tanong niya habang hawak ang isang black invitation.
“Ella, lahat ng mga CEO and Heads ng mga Corporate Companies ay pupunta diyan, I was invinted by the Corporate Committee to attend this Grand Ball this coming Saturday at Mimosa Golf and Country Club, Kaso mas bagay kang pumunta diyan and malay mo makakita ka ng maraming leads para makilala lalo ang Hotel natin. I know with your capability; you can attract possible future clients natin. Bonus na din baka andyan si Mr. Right mo at maalis ang pagka Man-hater mo.” Suhestiyong ng manager niya.
Natawa nalang si Ella – lahat kasi halos ng nagkakagusto sa kanya ay agad niyang binabara, kaya lahat ng katarbaho nya ay ganito ang tingin sa kaniya.
Kanina pa nakaalis ang manager niya, pero mas pinili niyang manatili sa Café na ito. She ordered red wine. Pangalawang baso niya na ito. Habang binabasa ang Invitation, nabuo ang mga plano nya. Baka nga dito, dito na niya makikilala ang Mr. Right niya – ang mag aalis sa kanya sa buhay niya ngayon. Kahit kase ngayon na kaya nya na. Malaki parin ang kulang para sa kanya. She wants more and she wants everything.