Chapter XII - Overtime

837 Words
Chapter Twelve Nagovertime siya ngayon dahil Month-end report niya, Halos mag aalas Nueve na siyang lumabas sa kanyang opisina. Sa harapang parte nalang siya ng lobby dumaan at pinakuha nalang niya ang sasakyan sa Bellman nila. Dumako ang kanyang tingin sa Isang yellow sports car na nagpark sa driveway ng Hotel, it was a 2020 Jaguar F-Type model, she did not know na meron ng ganito sa Pilipinas, Nakita niya kasi ito sa isang car magazine, at alam niyang twenty-eight pieces pa lang ang pinroduce ng kumpanyang ito. Hinintay narin niya kung sino man ang nagmamaneho nito. She is sure na kung sino man ito ay sobrang yaman talaga ng taong yun. Hindi niya inaalis ang tingin niya ng bumaba ang isang lalaking kilalang kilala niya. Nakangiti pa ito sa kanya habang tinitignan din siya. “Hi Ella, going home?” tanong nito sa kanya na may kasama pang pagpapacute. “Oh hi Mr. Del Rosario, yes po. – “kunwari niyang kinuha ang phone niya at nagtetext para hindi nalang tignan ang lalaki. Kahit kakaalis palang ng Bellman na inutusan niya ay nanalangin siyang bumalik na ito dahil hindi niya gusto ang presensya ng lalaki. Ilang sandaling napako ang mata ni Matthew sa babaeng nakatayo sa harap niya. Sinahod ba nito ang lahat ang magagandang katangian na isinabog ng diyos? She had the sweetest voice – lalong lalo na pag tinatawag itong, Mr. Del Rosario. Nilapitan niya ang babaeng nakatayo. Mula sa gilid ng mata ni Ella, kahit hindi siya tumitingin ay aware siya na papalapit sa kanya ang binata, lalo na at naamoy niya na ang pabango nito. “You wanna have dinner with me, Ella?” narinig niyang tanong ni Matthew. “No! – sir.” tipid at matabang na sagot nito. “Why? Nagmamadali ka ba? “Yes, may pupuntahan pa ako” - habang hindi man lang niya tinitignan ang binata. “How about lunch tomorrow Ella?” “No” malamig nitong sagot sa kanya. Sandali lang itong sumulyap sa kanya at tinutok ulit ang mga mata nito sa Cellphone na hawak. Hindi ang tipo ni Matthew ang tumatanggap ng cold shoulder. No One, especially a woman can ignore the great Matthew Alexander Del Rosario III. Bigla niyang kinuha ang cellphone ng dalaga. “Ano ba?! Inaano ba kita?!” Nawala ang pagkaprofessional ng dalaga sa ginawa ng lalaki. “Dahil ayaw mong pumayag na samahan ako, Hindi ko alam kung ano bang ayaw mo sa kin at para kang laging napapaso pag kaharap mo ko.” Hinaing ni Matthew sa kanya. “Mr. Del Rosario, sorry po no? uulitin ko lang po – hindi po ako intersado kung ano man ang offer mo. Kung ako po sa inyo e pumunta kayo sa Walking Street at doon mo e offer ang one night stand mo.” Umismid ito. Akmang kukunin nito ang kanyang cellphone ng lalo pa itong inilayo ni Matthew. “About that Ella, I’m sorry.” s**t nag apologize ako? Hindi niya napigilan ang dila niya dito. For him he will never be wrong. Gusto ng bulyawan ni Ella ang kaharap nito. Hindi niya pa lubos maisip kung bakit ayaw syang tigilan ng kausap niya. Gusto na niyang makauwi dahil medyo pagod na siya sa araw na ito. “Look Mr. Del Rosario” “Matt.” Umikot ang kanyang mga mata at nagbuga ng hangin. “Matt Del Rosario.” Ulit sa pangalan nito. She was amazed how his name sounded good to her ears at kung bakit ang sarap nitong bigkasin. “It’s getting late, kailangan ko na po talagang umuwi kaya kung pwede po ay pakibalik mo na ang cellphone ko.” Sa halip na sundin ang sinabi niya ay tumawa pa ito ng nakakaloko. “Sabihin mo muna na pumapayag ka nang mag lunch kasama ko bukas?” Naningkit ang mga mata niya, ayaw niyang pa intimidate dito. Pero kung yon nalang ang paraan para makalayo siya dito, ay papayag na lang siya and alam niya naman na Day-off niya bukas kaya hindi rin siya makikita ng binata, ang plano niya ay itetext nalang niya ito pagdating sa bahay niya. “Ok Mr. Del Rosario – See you at lunch.” Pagpayag niya. “Yes!” napasuntok pa ito ng maliit. Hindi alam ni Ella kung bakit parang kinikilig siya sa kinilos ng binatang yun. “Ngayon, pwede ko na bang makuha ang cellphone ko, Mr. Del Rosario?” Ngumisi ito at binalik ang cellphone ng binata.   Naaninag niya na ang Hyundai Kona Red niya – nagmadali siyang iwan ang binata, agad niyang kinuha ang susi sa kanilang bellman at nagmamadali siyang pumasok sa sasakyan. Hindi niya maintindihan pero parang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Nagmadali siyang umalis sa Hotel. Tinignan niya ang rear view mirror niya at na disappoint siya nang hindi niya na nakita si Matthew. Apparently, nag eenjoy lang siguro itong asarin siya. Good Job, Matthew! Sabi ng kanyang isip. Napapayag na niya sa wakas ang dalaga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD