Chapter X - Smell like Strawberry

512 Words
Chapter Ten Hindi alam ni Ella kung magpapaka professional siya ngayon sa harap ng preskong lalaki, ang totoo ay gusto niya na lang magwalk out sa sandaling iyon. Gusto niya itong murahin. “Shit.” Hindi napigilan ni Ella lumabas ito sa bibig niya. “What did you say Ms. Yuzon? Did you just curse me?” Nangaamok na tanong ng lalaki. Nakita niyang bigla itong nagseryoso ng tingin sa kanya. Agad nalang siyang nagisip ng sasabihin dito. “No – no sir -I mean your bedsheet sir, Napansin ko kasi hindi pa nagalaw – hindi po kayo natulog dito?” pagmaang – maangan niya. “No – why? Do you want to sleep here with me tonight?” Suhestiyon nito sa kanya habang unti unti nanaman siya nitong tinitigan na para bang naka high ito. Nagdikit ang bagang ni Ella, presko talaga itong kausap niyang lalaki. Para makaalis nalang siya doon ay gagawin nalang niya ang pakay niya talaga. Gusto niya ulit itong tarayan – kaso kailangan niya parin maging professional dahil kliyente nya parin ito. “No sir.” Matigas na wika niya. “I just came here to ask you to sign our contract – But I think you are not ready yet, I will just tell my staff to give it back to you later – kapag ready kana, Mr. Del Rosario.” Akmang tatalikod na siya ng hawakan ni Matt ang kamay niya. Mabilis siyang nilapitan nito until it was only inch closer. She can smell his manly scent – and a minty breath. Hindi alam ni Ella pero maging siya ay natulala na rin habang tinitignan ang mga mata ng binata. Kung hindi lang talga eto presko ay matatypan niya talaga. “You smell like strawberry” bulong nito habang papalapit ang labi nito sa labi niya. Biglang nagising sa pagkatulala si Ella at biglang umiwas palayo sa lalaki. Nakita niya ang pagtiim baagang ng lalaki sa ginawa niya. Pumunta ito sa Study table at kinuha ang ballpen na nakalagay doon. Lumapit ulit ito sa kanya at biglang napaurong ito sa lalaki – Ngunit kinuha lang pala ng lalaki ang Contract na hawak niya at pinirmahan yun at binalik sa kanya. “Thank you, Mr. Del Rosario.” At tuluyan ng lumabas ang dalaga sa silid na iyon. He is really attracted to that woman – Kanina noong pagmasdan niya ito wearing her uniform ay lalo siyang na attract dito. Kahit wala siyang ano mang makeup. Her tight uniform emphasizes her seductress figure behind it. Naiwan din ang amoy ng dalaga. According sa hinire niyang private investigator ay wala itong nobyo or asawa. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naging interesado sa dalaga gayong kahit sinong magustuhan niyang babae ay nakukuha niya. Wala pang kailanman tumanggi sa kanya lalo na isa sila sa pinakamayaman at pinakamakapagyarihang pamilya sa bansa. Everytime she’s calling her Mr. Del Rosario ay gustong gusto niya itong naririnig, Parang musika sa tenga nya ang boses ng babae. Natatawa din ito sa facial reaction niya pag nakikita niyang napipikon ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD