Day 2

2403 Words
Ring....Ring.....Alarm Pinatay ko ang alarm 6:00 AM na inaantok parin ako 4:00 AM narin kasi ako nakatulog kagabi . Tulog parin si John Tatayo na nga ako para magluto ng umagahan naming dalawa sa susunod na araw na pala ang anniversary naming dalawa Ano kaya yong pwedeng kong iregalo sa kanya? Wala parin akong maisip pero ang naaalala ko parin yung secret na sinasabi niya sa akin kahapon tulog na tulog parin siya parang bata (giggles) Nagluto at naglinis narin ako gisingin ko na kaya siya nagluto ako ng cream mushroom soup para kahit papaano matanggal ang hang over niya. “ Mahaaaal , Good Morning umaga napo gising kana. “ mmmmmm, 3 minutes “ Mahal lalamig yung niluto ko wala kabang pasok ngayon? “Hmmmmm “ Mahaaal, Gising kana po “ Mmhm Opo babangon napo , Susunod nako. Lumabas nako ng kwarto at binuksan ko ang TV para makinig ng balita . Ang tagal naman yata ni mahal mapuntahan na nga . “ Hayyy! Mahal! Bangon kana po may pasok kapa . “ Hmmmm, Ito na babangon na Inantay ko siyang bumangon nagCR muna siya at Lumabas na rin kami. Ininit ko ulit yung Soup kasi lumamig na sa tagal bumangon. “ Mahal magkakape kaba? “ Ako na mahal, Nakakahiya sayo ang sakit kasi ng ulo ko naparami yata ako kagabi. “ Okay lang mahal, Oo nga muka ngang naparami ka kagabi ng inom “Sorry Mahal (sabay yakap nito sa likod at humalik sa ulo ) Mahal na Mahal kita “ Mahal na Mahal din kita, Sige na kain na tayo papasok kapa. Nagasikaso na kami ni John baka tanghaliin pa kami . Nakasakay na kami at tulad ng dati lagi niya akong hinahatid “ Sige na mahal dito nako ha ingat ka “ Sige po ingat ka din mauuna narin ako [JOHN’S POV] Grabe napadami yata ang inom ko kagabi at di ko na asikaso si Kyla pinagantay ko pa siya kagabi “Sorry Mahal kung nakapagsinungaling ako... sana mapatawad moko” Papasok na ko sa trabaho ngayon magaanniversary na kami ni mahal sa susunod na araw alam kong matutuwa siya pag nalaman niya kung ano yung secret ko sa kanya balak ko kasi sanang magpropose na sa kanya tutal matagal na rin kami isang taon ko narin tong pinaiiponan ang pagbili ng engagement ring siguro susurpresahin ko nalang siya sa bahay nalang namin ganapin ang anniversary namin at magluluto nalang ako habang wala siya at para narin makatipid kami . Nakarating nako dito sa Resto “ Good Morning Boss “ Good Morning din John nagenjoy kaba kagabi? “ Okay lang po sir , Salamat po sa pagimbita sa akin “ Wala yun sige ikaw na bahala diyan aalis muna ako “ Dude ! Ano may hang over ba? HAHAHA “ Medyo ikaw Chan ang aga mo umuwi kagabi di ka man lang nagtagal. “ Alam mo naman dude pamilyadong tao di pwede magagalit si misis bukod pa walang silang kasama ng mga anak ko mahirap na “ Talagang Tatay na tatay kana kahit na minsan yang mata mo makasalanan HAHAHA “ HAHAHA . Hanggang tingin nalang tayo dude . Mahirap na sige don muna ako sa Station ko Maraming tao kahapon kaya daming kailangan linisin. “ Sige dude Mamaya maya lang magbubukas na kami. Itext ko na si mahal babawi ako ngayon. To; MahalKO Mahal Andito nako kararating ko lang ingat ka diyan mamaya maaga ako uuwi ha sunduin kita sa burger stall ilove you:* kain ka ng lunch mo. Siguro nasa klase pa yon ngayon sana kumain siya ng tanghalian minsan kasi di siya kumakain diet daw di naman siya mataba . [Third Person POV] Sobrang saya ko kagabi di ko maipaliwanag ng makita ko siya ulit sa tagal ng panahon ng di kami nagkita at nagkausap muli kahapon ay masaya kaming dalawa kahit papaano ay natutuwa ako sa kabila ng nangyari saming dalawa at alam kong masaya rin siya na nakita niya ako sana ay maging maayos na ang lahat para sa amin. “ Saan po tayo ngayon? May dadaanan papo ba Kayo? “ Sa Basketball Court andon sila Philip “ Sige po . [KYLA’S POV] Kakatapos lang ng klase namin wala akong gaanong naintindihan si Aya kasi kwento ng kwento tungkol sa bago niya daw na crush . Ewan ko sa kanya maglulunch break na kami sa Canteen di ako nakapagbaon kakamadali kanina ang tagal kasi bumangon ni John bibili nalang ako sa canteen . Check ko nga muna phone ko From ; Mahal Mahal Andito nako kakarating ko lang ingat ka diyan mamaya maaga ako uuwi ha sunduin kita sa burger stall ilove you:* kain ka ng lunch mo. Mukhang babawi tong mahal ko sakin ah . Hihihi kinikilig ako mukang may ganap HAHAHA. I replied To ; Mahal Sige po mahal , Antayin kita ingat karin diyan :* Andito na kami sa canteen ni Aya nakapila hindi naman mahaba ang pila ang bagal lang talaga ng mga staff sa canteen kaya naman humahaba ng pagkahaba ang pila dito .Sa wakas kami na “ Kyla Dito kayo “ Andito nanaman yang Tristan na yan buntot mo yata yan Kyla Laging nakasunod sayo san man dako “ Ito ang ano mo kaibigan na natin siya diba . “ Infairness gwapo rin siya na ang cute diba Kyla ? Tingnan mo ang daming babaeng tumitingin sa kanya “ Ewan ko sayo. “Kamusta kayo? Aya At Kyla “ Okay lang naman kami keribells pa . Oo nga pala Tristan malapit na ang GrandBall sa University natin may partner kanaba? “ Weeh? May Grand Ball Kailan? Bakit di ko alam . “ Estudyante kaba talaga dito Tristan wika ni Aya “ Oo naman “ Bakit wala ka man lang alam pinost yon sa GC at sa mga Pages ng University natin wala bang nagsabi sayo ? Wag mong sabihin na? “ Anong GC ? Di ako kasali sa mga GC sino ba admin non? “Sabi na kaya wala kang kaalam alam sa mga kaganapan dito sa school “ Ayy Sorry di ko pa pala nasabi Transferee kasi ako . “ Ahhhh kaya pala sorry naman “ ikaw talaga Aya . Sige Add ka namin sa GC at Group ng University natin para updated ka . Kaya pala parang di kita napapansin dati akala ko dahil di lang ako masayadong pumapansin yun pala bago ka . “ Kaya pala para kang pagkain sa paningin ng mga babae sa paligid diba Kyla ? Bago ka kasi “ Di ko rin alam wala pa kasi akong kilala dito at kaibigan kundi kayo lang “ Sa dami ng estudyante dito bakit kami pa napili mo “ Oo nga naguguluhan din ako Ngayon ko lang din yan naisip Aya “ Kasi kayo lang naman di tumitingin sakin napansin ko na sila na laging nakasunod at nakatingin sakin pero iba kayo kaya kayo ang napili ko parang kakainin kasi nila ako ng buhay HAHAHA “ Kaya naman pala “ Di kasi kami mahilig makisama sa iba ayaw din namin na iopen ang sarili namin sa lahat kasi maraming pakielamers dito noh. “ Oo, nga pala baka pwede kayo bukas birthday ko kasi yon wala naman akong ibang kaibigan kundi kayo lang dalawa “ Saan ba gaganapin? “ Oo nga, sa bahay ba ninyo? “ Hindi, sa Tanay Rizal sa vacation house namin Okay lang ba sa inyo? “ Mukhang medyo malayo layo ang biyahe natin ilang oras ba biyahe papunta don? “ Siguro mga 3 Hours lang naman simula dito Quezon City “ Magpapaalam muna ako kay John . Off ko naman bukas sakto saturday walang pasok. “Sinong John? “ Sino paba edi Yung one only love niya “Ahh. John pala name niya baka pwede siya isama mo na rin “ Maganda sanang ideya yan kaso may pasok kasi siya sa trabaho mamaya sasabihin ko sa kanya susunduin niya naman ako mamaya . “Ang sweet naman may pasundo pang ganap. “ Sige mamaya na ulit kita nalang tayo mamaya may next subject pako . wika ni tristan “ Akin na ang number mo saka yung name mo sa f*******: para maiadd ka namin ni Kyla sa GC atleast kahit papaano updated kana . “ Oo nga pala sige search mo Tristan De Guzman “ Alin dito? “ Ayan nakablue na sweater “ Gwapings ka dito aa HAHAHAHA “Patingin nga Aya , Medyo lang pero mas gwapings si Mahal ko “ Diyan lang kahit sa personal gwapo ako .wag mong titigan baka mainlove ka “Asa ka naman Tristan “ Ayan na Add kana antay nalang tayo iconfirm ng admin “Sige mauna nako Bye... “Sige. “May pagkafeelingero din si Tristan noh Kyla. “ Oo nalang Tara na at baka malate pa tayo. Natapos na ang klase namin ngayon palabas na kami sa school ni Aya at andito nanaman tong asungot nato. Lagi nalang yata to kakain ng burger “ Kyla , Tara sabay na tayo maglakad .Aya ikaw saan ka pupunta uuwi kana ba? “ Sa tingin mo “ Ms. Masungit “Anong sabi mo Unggoy “ Aba sinong mukang unggoy sating dalawa diba parang ikaw HAHAHAHAHA “ Bawiin mo yung sinabi mo Hayy. Naghabulan na ang dalawa parang mga bata ito naman kasing si Aya di lang nakasilay sa Crush niyang di ko mawari kung sino parang nadaganan na ng malaking bato ang muka sa kasungitan. Text ko na kaya si mahal . Mamaya nalang pala pag tapos ng work ko baka marami pang ginagawa yon “Kyla mauna nako ha , Humanda ka sakin bukas unggoy ka “ Sige bye ingat ka “ Bye Ms. Masungit Bukas ha Magready na kayo mga 8 AM alis na tayo “ Sige Chat nalang tayo mamaya “ Di ba parang maaga yung 8 AM Tristan? “ Tanghali na nga yon traffic pati baka hapon na tayo makarating don kung di natin susulitin diba? “ Sabagay , Sige magtratrabaho nako Oorder ka nanaman ba? “Hindi , Hinatid lang kita sabay kindat “ Ang creepy mo sige na umalis kana nga Malapit na ang out ko excited ako kasi susunduin ako ni John mukang babawi siya this time . Text ko na kaya siya To: Mahal ...Mahal malapit na ang out ko anong oras ka dadating aantayin kita ha . Ingat i love you;* 8:00 PM ang out ko alam naman ni John yon dahil di naman nagbabago ang schedule ko pero mag 9:00 PM na ngunit wala pa siya kanina ko pa siya tinatawagan di naman siya sumasagot baka siguro maraming tao sa Resto ngayon baka pinag overtime siya ng boss niya pero aantayin ko siya kasi sa ilang taon namin na magkasama bihira lang siya di tumupad ng pangako karaniwan na di niya natutupad sa akin ay mabilhan ng mga bagay o di kaya di kami matuloy sa mga lakad namin pero pagdating sa pagsundo never pa siyang pumalya unless kung emergency magsasabi naman yon sakin ng maaga aantayin ko nalang siya . 10:30 PM To: Mahal Mahal nasaan kana po? Mahal Ayos lang ba diyan may problema ba? Mahal inaantay po kita dito Magreply ka naman po please.... “ Kyla Di ka paba uuwi ? “Hindi pa po mam inaantay ko papo ang sundo ko po “. Anong oras na baka wala ka ng masakyan diyan. “ Antayin ko nalang po Tinatawagan ko si John kanina pa pero di siya sumasagot Ring......Ring.......Ring...... Siguro marami lang siyang ginagawa kaya naman di niya nasasagot 11:30 PM na pero wala parin siya . Uuwi nalang ako gusto kong umiyak dahil sa ginawa niya pinagantay niya ako magaapat na oras nako dito sa labas di man lang ba niya ako naiisip nakalimutan niya ba na sunduin ako di naman siya ganon dati kahit kapos siya sa oras gumagawa siya ng paraan para matupad niya yung pangako niya maya maya pa ay may tumigil na motor sa tapat ko napatingin ako at si Tristan anong ginagawa niya dito ng ganitong oras “ Kyla Bakit nandito kapa? Anong oras na wala paba yung sundo mo? “ Wala pa siya baka di na rin siya makakarating pauwi narin ako ikaw saan ka pupunta? “Ah may bibilhin lang ako pauwi kanaba tara hatid na kita delikado gabi na pati maaga pa tayo bukas diba? Sakay kana “Sige . Sumakay narin ako natatakot din ako magcommute di ko nga alam kung may masasakyan pa ako buti nalang dumating si Tristan “ Dito nalang ako sa may kanto “Bakit dito lang saan ba yung bahay mo para don na kita mahatid . “Hindi dito nalang , Maraming Salamat ha Ingat ka “Sige una nako bukas nalang mamaya pala umaga na “ Happy Birthday Tristan “Salamat ikaw ang unang bumati sakin kaya special ang araw na to para sa akin “ Baliw ka talaga sige na mauna kana Umalis na si Tristan naglalakad ako papasok sa street namin di na ako nagpapasok nakakahiya rin kasi nagpahatid nako magpapasok pako sa street namin ayaw ko rin abusuhin ang kabaitan niya sa akin . Di parin ako mapalagay kung bakit hanggang ngayon di parin tumatawag si John ano ba ang nangyayari gusto kong maiyak sa galit dahil iniwan niya ko magisa sa malamig na kalye para magantay sa kanya. Binuksan mo ang pintong bahay namin at andito narin ako pero tumingin ako sa paligid sobrang tahimik “Wala parin ba siya? Anong oras na” bulong ko sa sarili . Pumasok na muna ako sa kwarto para magpalit ng damit nagugutom ako pero parang wala akong ganang kumain ngayon nahiga na ako napagod ako sa araw na ito gusto ko na munang matulog gigising nalang ako ng maaga bukas para maihanda ang dadalhin ko papunta sa birthday ni Tristan. Di ko na aantayin si John magiiwan nalang ako ng message sa kanya To: Mahal Nakauwi nako dito sa bahay . Matutulog napo ako Goodnight. Di naman maalis sa akin na medyo may pagtatampo ako sa kanya dahil parang ginawa niyang akong Ta*ga magantay ng magisa don kumikirot ng dibdib ko ayaw ko sanang matulog na may ganitong nararamdaman at gusto kong marinig kung ano ang dahilan ng di niya pagsipot sabihin na natin mababaw ang dahilan ng pagtatampo ko pero di kasi ako sanay ngayon lang nangyari sa buong relasyon namin ang ganito pagod nako pagod na ang katawan ko pagod na rin ako magisip ng dahilan kung bakit. Goodnight Kyla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD