"Nasaan si Cyel?" -sabay naming tanong ni ethan
"Po? Hindi ba't mag kasama po kayo na nag CR?" -nag tatakang tanong ni kyle
Nag simula nanamang tumulo ang mga luha ko
Nanginginig ang tuhod ko
Hindi ko na kinaya kaya napa upo na 'ko
"Babalik ako dun hahanapin ko si Cyel dito ka lang bantayan mo sila kyle at chandler" -Ethan
Nag tinginan ang mga tao sa'min
May lumapit na babae sa'kin
"Miss okay ka lang?" -tanong niya
"'Yu-'yung anak ko nawawala" -sabay hagulgol ko
"Kailangan natin 'to iReport sa Security"
"Ano po? Nawawala si Cyel?" -kyle
Tumango lang ako
Tinulungan ako ng babae na makapuntang security kasama namin si kyle at chandler
"Mrs.Caleb kalma lang po kayo, mahahanap den po natin ang anak niyo"
Ngulat ako ng nalaman nila ang issue kahit hindi pa kami nag sasabi
"Papaano niyo nalaman?" -tanong ko.
"Tumawag saamin si Sir. Ethan. Ipinasara niya ang lahat ng Entrance at Exit ng mall. Nagawa na po namin ang initos niya. Lahat den po ng security guards tumutulong na po sa pag hahanap. ChineCheck na rin po namin ang cctv's" -he explained.
"Pwede ko bang makita ang cctv?"
Pumunta kami sa isang kwarto.
Sila Kyle at Chandler naiwan sa office. May mga nag babantay sakanila dun
Habang chinecheck namin lahat ng Cctv. Naiiyak nanaman ako.
Sana andito pa sa loob ng mall ang anak ko
Chineck na nila ang lahat ng Cctv pero
Wala si Cyel
Humagulgol na'ko
"Sana hindi ko nalang siyang pinayagan na mag isa. Sana sinamahan ko nalang siya. Sana hindi ako nag pabaya! Napaka wala king kwentang ina!—"
Sobrang walang kwenta ko talaga!
"Miss h'wag mo sisihin anh sarili mo. H'wag kang mag alala mahahanap den natin ang anak mo"
Pilit akong pinapa kalma ng babae
Tumayo ako at lumabas ng office
"Saan ka pupunta?" -tanong ng babae
"Tutulong ako sa pag hahanap sa anak ko"
"Pero binilin po ng asawa niyo na dito ka lang"
"Mas hindi ako mapapakali kung wala akong gagawin" -sagot ko
Lumabas na'ko at sinimulang nag hanap
Nag bubulungan at nag tataka na ang mga tao kung ano'ng nangyayari
"Kung may nakita po kayong bata na Naka White Shirt ,White jacket ,White hat ,White Shoes ,All white. May naka sulat po sa likod ng jacket niya na Caleb. ieespell ko po C A L E B caleb. Ang edad niya po ay 4 years old. Kung may nakita po kayong bata gaya ng inexplain ko. Pakiusap po ipag bigay alam niyo po sa mga security guards na makikita niyo. O hindi kaya't mag punta sa Office namin. Dito po sa may first floor. Maraming salamat po"
Galing sa mga speakers ang boses.
*
"Ate nakita niyo po ba 'tong bata'ng 'to?"
Tanong ko sa babae. Sabay pakita ng picture ng bunso kong anak na si cyel
Paulit ulit akong nag tatanong ng ganiyan dito sa loob parin ng mall
Nag kasalubong kami ni Ethan sa pag hahanap
"May nakakita na daw ba kay Cyel?" -tanong niya sa'kin.
Umiling ako. Bumagsak ang mga luha ko.
"Hindi ko talaga kakayanin kapag hindi pa natin makita ang anak natin" -nanginginig pa anv boses ko.
Niyakap niya 'ko nang mahigpit. Saka hinalikan sa noo
Patuloy parin ang pag bagsak ng mga luha ko
"Makikita naten si Cyel. Pangako" -ethan
Hinalikan niya pa ulit ako sa noo
"Kami na ang mag hahanap kay Cyel. Mag pahinga kana. Kumain na kayo nila kyle"
"Sigurado akong papakainin 'yun ng mga tao dun. Hindi ko kayang kumain hangga't hindi ko sigurado ang kaligtasan ng isa sa mga anak ko!"
"Please maxcoleen! H'wag mong pabayaan ang sarili mo! Kahit makita natin si Cyel baliwala kung mawawala ka din! Please honeybby!" -mangilidngilid na ang mga luha niya
Hindi ako nakinig sakaniya. Tumakbo ako papalayo sakaniya saka ipinag patuloy ang pag hahanap
*
Mag aala-singko na ng hapon pero wala paring nahahanap na cyel
*
Habang patuloy na nag hahanap. Naririnig ko ang pag kairita ng mga tao na gusto nang umuwi
Pero wala 'kong pakialam sakanila
Ang mahalaga sa'kin ay mahanap ko ang anak ko
*
Ilang sandali lang ng pag hahanap ko
Ay nakaramdam na'ko ng pag kahilo at paninikip ng dibdib
Unti unti pang nag didilim na rin ang mga mata ko
Patagal ng patagal ,mas lalong hindi ako mapa kali.
Dahil hindi ko alam kung ligtas ba ang anak ko
Habang patuloy kong iniisip angkalagayan ng anak ko ay Lalong sumisikip ang dibdib ko
At eto na nga
*