"Bukas na ang deadline ng project niyo. Hindi ako tatanggap nang mga gawa na hindi napasa sa tamang oras nang pasahan!" -paalala nang strikta naming guro "Yes Ma'am!" -sabay sabay naming sagot Nilisan na ng guro namin ang room Inasiayos ko kaagad ang mga gamit ko para makauwi ng maaga "Collins! Collins! Collins!" -natataranta pa si Yexzan "Bakit? Ano'ng problema?" -pag aalala ko "S-Si Ethan!" -yexzan Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya ang pangalan ni Ethan "Ano'ng nangyari kay Ethan?" -pag aalala ko pa "May binubugbog siya sa Food Park!" -natataranta niya sagot Agad kong kinuha ang bag ko at dumiretso sa Food park * Nang narating na namin ang Food Park nadatnan ko si Ethan na nakapatong sa lalaki at patuloy ang pag sapak sa mukha nang lalaki Lumapit agad ako kay Ethan

