CHAPTER ONE
***
Every Ending has a new Beginning.
BINUKSAN ni Delly ang isang kahon na naiiba sa lahat. Kulay black kasi iyon kaya madali niya lang napansin, nag simula na siyang magbukas ng regalo habang nasa labas pa ng cabin si Winston at inaayos ang pagkakatali ng yacht nila.
Napangiti siya ng makita ang isang picture frame. Taken iyon ng mag dalawang taong gulang pa lamang siya. Pag angat niya ng picture frame ay nanlamig ang katawan niya, kasunod nun ang isang matinis na tili. Nagsumiksik siya sa sulok habang humahangos naman na pumasok si Winston mula sa labas.
"Hey... hey..." pinigilan ni Winston ang mga kamay ni Delly. "What's wrong, babe?"
Itinuro ni Delly ang kahon. Tumayo si Winston at kinuha ang kahon, doon bumulaga sa kanya ang mga patay na butterflies habang may nakasulat na...
Condolences
Tumunog ang cellphone ni Winston at sinagot niya iyon.
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko? Hmm? Sweety?!"
"Ikaw...”
Winston
"Yes, it's me, surprise?"
"What do you want?"
"I want you," she answered.
"You are the one who got away! So stop pestering me, will you?!" galit na bulyaw ko sa cellphone. "And don't you dare to hurt my wife dahil sinusumpa ko, hahanapin kita kahit saan kamang lungga nagtatago!" I added.
She chuckled. "Hey, relax Sweety! But I am touched! I just want to congratulate both of you. You know your wife is beautiful, no doubt why you marry her and forget all about me!" galit na rin ito. "But anyway, let's not talk about our past, but I will never forgive you. Ikaw ang dahilan kung bakit ganito na ako ngayon kaya ikaw at ikaw lang ang sisisihin ko! So, If I were you? Make sure na bawat segundo nasa asawa mo lang ang mga mata mo, dahil konting lingat mo lang baka mawala na siya sayo! And by the way, may isang minuto nalang kayo para umalis na love yacht ninyo, bye-bye!"
"Hello? Hello? Damnit it!" napasabunot ako. Nilingon ko si Delly na noo'y nahimasmasan na at pilit na itong tumatayo, nilapitan ko siya at inalalayan. "Babe, just trust me, okay?" I told her ng makaupo na kami sa kama.
She slowly nodded and hugged me. "Babe, I am your wife now and I am bearing your child, our child, so I trust you but I want you to be honest all the time, whether it is good or bad."
"I will babe, I promise!" ini-angat ko ang mukha niya and kissed her deeply. I love my wife... I love her so much kaya walang dahilan para maguluhan ako ng ganito ngayon.
And by the way, may isang minuto nalang kayo para umalis na love yacht ninyo, bye-bye!"
Mabilis na tinapos ko ang halik kay Delly and stood up then searched for the box.
"Babe?" she wondered.
Napatitig ako kay Delly. "There is a bomb!"
"What?!" she exclaimed.
I held her arms and dragged her outside the cabin and jumped into the sea before the yacht exploded. I hugged and kissed her to give her more oxygen to breathe in while we are drowning. Ilang segundo din kami sa ilalim bago pilit na lumangoy paitaas. Nilangoy namin ang isang bahagi ng yacht para makasampa. I patted her back when she starts coughing.
"Tell me what's goin' on here, damn it!" nadama niya ang dibdib.
I sighed. "I dunno... babe, I am sorry...."
She faced me. "I thought the war and fight were over! Who the hell called you? Who sent the box? Why they wanted to kill us?"
"Relax babe, makakasama yan sa baby..." inalo ko siya. "I will tell you everything but for now, kailangan nating makaalis dito, bago pa lumakas ang mga alon."
She cried.
"Babe I'm sorry..." I hugged her.
"I just wanted to have a good night with you, make love and just make love with you, gusto ko pa namang suotin ang regalo ni Belle sa akin," suminghot siya. "Kainis!"
"I promise hindi na mauulit ang ganitong pangyayari."
"So, paano na tayo? Wala na tayong pang contact sa kanila. Paano tayo makakaalis dito?"
Napalingon kami ng may narinig kaming ingay ng motor ng mga speedboats. Itinaas ko ang mga braso at kumaway. "Over here!" I shouted.
Lumiko ang mga speedboats patungo sa amin, nanginig ang katawan ko ng makilala kung sino-sino sila. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay ni Delly. "Babe! Sa ilalim!" hinila ko siya at niyakap habang pailalim kami sa dagat, po-protektahan ko siya, lalo na ang baby namin, nakikita ko ang pagtagos ng mga bala at ang pagtama ng isa sa binte ko. Nawawalan na ng hininga si Delly. Hinalikan ko siya habang mas pumailalim pa kami.
Elsa
Sakay ng isang helicopter ay tinungo namin kung nasaan ang love yacht nila Winston at Delly. Masama ang kutob ko kanina pa sa kasal. At laging tama ang kutob ko, sakay naman sa isang speedboat sina Alice at Andrew.
Si Joshua ang piloto namin ni Kendry habang sina Belle at Enrique ang nagbabantay sa resthouse, at si Celen naman ang nag aasikaso para sa pag alis ng mga bisita.
"Joshua! Faster!"
"I am trying," he answered. "s**t! We're late!"
Napatingin kami ni Kendry sa ‘di kalayuan. Maraming nakapalibot na speedboat sa isang sabog-sabog na yacht at ang ibang bahagi ay nag-aapoy pa at pinagbabaril nila!
Inayos ko ang machine gun at tinutukan ang mga ito. "Don't fire them! Careful, nasa ilalim sila Winston at Delly! You might hit them," si Kendry.
At ngayon kami naman ang pinapuputukan ng mga ito. Itinaas ni Joshua ang lipad, mabilis na humaharorot ang speedboat nina Alice at Andrew.
Nahinto naman ang iba sa pagpapaputok kina Winston at Delly na nasa ilalim ng dagat at hinarap sina Andrew at Alice at nakikipaghabolan na ang grupo kina Alice. Nakita ko ang pag angat ni Winston kasunod si Delly ilang dipa lang kung saan sila pinapuputukan.
"Joshua over there!" turo ko sa dalawa. Ibinaba ni Kendry ang lubid, mula doon kumapit si Delly and we pulled her up.
"Winston, here!" inihagis ko sa kanya ang isang baril at nasalo niya iyon. Tinulungan ko si Delly ng makasampa na siya sa itaas.
"Let me fire those assholes!" galit na sabi ni Delly, hinarap niya ang machine gun.
Hinagisan ni Kendry si Winston ng isang floating jacket. At hinalikan niya ako sa mga labi bago bumaba sa lubid para samahan si Winston na noo'y may tama sa binte.
"Happy wife, bad-life, huh?" sabi ko kay Delly na hindi na maipinta ang mukha.
"Sinabi mo pa!" si Delly. "Tara Joshua ng makaganti ako sa mga buweset na 'yon!"
"Yes Ma'am!" Joshua answered.
Alice
"Here we go again!" I mumbled. I pointed my two arms and fire them while Andrew does the driving. Dalawa ang nataob. "Oh-Oh!" Napakapit ako kay Andrew ng mawalan ako ng balanse dahil sa pagtalon ng speedboat na sinalubong ang malakas na alon.
"Honey, marami sila!" si Andrew. Napatingin kami sa itaas at nakita namin ang helicopter nila Joshua. Mabilis na umiwas kami sa mga ito at hinahabol na nila kami! At sa itaas panay ang pagratrat ni Delly.
"Andrew! Delly is freaking crazy mad now! Baka makalimutan niyang kasamahan niya tayo, make it faster!" I yelled at him.
"Copy that!"
Sunod-sunod na pagsabog ng mga speedboat ang umingay sa karagatan dahil sa pagratrat ni Delly sa mga ito. Huminto kami kung nasaan sina Winston at Kendry. Inilahad ko ang palad para makasampa sila sa loob.
"Congratulations Sir!" si Andrew. Tinapik pa nito si Winston. "At may tama ka!"
Sinaway ko si Andrew. "Hindi oras ng pagbibiro ngayon, Andrew."
"I'm sorry at nadamay pa kayo dito," si Winston.
"Okay lang," I answered. "Wala na kami sa WEDA pero mananatili kaming kaibigan na handang tumulong anytime."
Umiling si Winston. "This is the last one, ex-agents."
Andrew sighed.
"Nag-iingay na naman sila," si Kendry. "If this is just a little misunderstanding, then susubukan kong kausapin sila."
"Do you think makikipag negotiate sila?" si Winston. "Nagtataka lang ako kung bakit muli silang nanggugulo sa akin," lumalim ang isip nito.
"Andrew, balik na tayo."
"Sa WEDA?"
"Sa resthouse," pagtatama ko.
MABILIS na niyakap ni Delly si Winston ng magkita muli ang dalawa sa rest house, napaupo kami sa sofa.
"I think they are too much! Hindi lang pagbabanta ang ginawa nila, they wanted to kill you Winston at pati na rin si Delly!" si Enrique.
Tahimik lamang si Elsa sa tabi.
"Who are those men?" si Belle. "I thought it was over right? Wala na ang mga sindikato! At nakakulong na rin ‘di ba si Samuel Villonco at si Ms. Lanie, at ang ibang mga sindikato sa hidden jail ng Hunters Group?"
"This is not all about syndicates now! This is all about the group war between all private agencies. I thought the war is over nang mag decide akong manahimik na lamang at pagtuonan ang problema sa mga sindikato. But now, they are here pestering me once again!"
"The Seekers...." si Kendry. "Nakalaban namin sila sa mga naging targets namin before," napatingin ito kay Elsa. "Elsa, okay ka lang? What's bothering you?" he asked.
Tumayo si Elsa, "Winston can I talk to you privately?"
Nagkatinginan kami lahat. "Teka, parang hindi ko yata nagustuhan iyang sinasabi mo Elsa. Bakit kailangan kayo lang dalawa? May itinatago ba kayo sa amin?"
"Alice trust me, may gusto lang akong malaman from Winston and believe me sasabihin ko rin sa inyo ang pinag usapan nam—"
"Isipin niyo nalang na kunwari wala kami dito," si Belle. "Elsa, ibang tao pa ba kami para sayo? It sounds that wala kang tiwala sa amin."
Elsa sighed. "A'right, I'm sorry. Inaalala ko lang ang magiging feelings ni Delly sa itatanong ko at isa pa... may dapat malaman si Winston," Elsa looked at Winston. "Tungkol kay Jael Riaso."
"Don't worry about my feelings, dahil sasabog na ako anytime! They just ruined our moment together! Ilang oras pa nga lang after ng kasal namin at heto puro bala na ang sumalubong sa amin."
The private Nurse came in, hinarap ito ni Belle at walang sabi sabing kinapkapan. She even squeezed the boobs of the poor lady. Namula ito at malakas na sinampal si Belle pero bago pa iyon makadapo sa pisnge ni Belle ay nasalo na iyon ni Joshua.
"She's safe, sige na pwede ka ng pumasok," si Belle. Lumapit ang Nurse kay Winston at nagsimula na itong gamutin ang binte ni Winston.
"Back to our topic," si Delly. "What about Jael Riaso?"
"Are sure, Delly?" paniniguro ni Elsa. When Delly nodded she began.
"Okay, I accidentally saw her picture—inside of your office Winston sa resort and found out that she was the girl who ran away from your wedding before. Inalam mo ba ang dahilan niya kung bakit hindi siya nakasipot sa kasal niyo that day?"
"No. Simula ng hindi siya sumipot, pinatay ko na rin siya sa puso ko."
"May hugot, ah!" si Andrew. Siniko ko ito para manahimik.
"Last year, nakatanggap ako ng mission from our international client to kill the girl named Samantha Benidez at ang taong iyon walang iba kundi si Jael Riaso."
"It's impossible Elsa, she's alive!" si Winston. "Tinawagan niya ako at siya rin ang nagpadala ng regalo sa amin ni Delly na may lamang activated timed-bomb. Hindi ko alam kung bakit nangugulo pa siya, wala akong ginawang masama sa kanya, siya pa nga itong nang iwan!"
"Hugot pa more!" si Andrew. Inapakan ko ang mga paa nito at pinanlakihan ito ng mga mata.
"Yeah she's still alive. Akala ko namalikmata lang ako ng makita ko siya sa beach pero sigurado na akong siya nga iyon. At kung tama ang hinala ko, malaki ang kinalaman niya sa mga international clients ng Black Dragonss at ang palaisipan lang sa akin ay kung bakit gusto siyang ipapatay ng mga naging kleyente namin."
"Ngayong wala na ang Black Dragons para gawin nilang utusan para ipapatay ang mga targets nila, naghahanap sila ng pwedeng ma-kontrata para sa mga targets nila. Kaya ngayon nagkakagulo na naman ang mga private agencies at kung may kinalaman man dito ang babaeng sinasabi niyo, malamang na nasa malapit lamang siya," Si Kendry. "At baka pumanig na ang ilang agencies sa international mafia, dahil hindi na nasusuportahan ng gobyerno ang ilang mga pangangailangan nila."
"Mga bobo ba sila? Kaya nga sila tinatawag na pribadong ahensiya dahil hindi sila sakop ng ating gobyerno!" si Joshua.
"Joshua, the government is holding them, the government knows about the private agencies who just accepted personal missions from their clients—like Black Dragons Organization. Unlike WEDA na alam ng publiko maliban sa totoong layunin ng agency natin," si Winston.
"That's impossible you know, hindi private ang dapat itawag sa kanila kundi hidden or invisible agencies!"
Tumango si Winston. "That makes sense."
"Sa tingin ko, kailangan nating makausap si Samantha. Kung ano ba talaga ang pakay niya at kung kabilang ba siya sa The Seekers na naka-engkwentro natin sa dagat kanina," si Elsa.
"Pero paano natin siya makakausap?" si Winston, "Wala tayong alam about her."
Tumayo si Belle at pakendeng na lumapit sa Nurse. "Ang sabi niyo nasa malapit lamang siya," hinatak nito ang Nurse at malakas na sinuntok sa sikmura at itinulak. Mabilis na tumayo ang Nurse at nakuha ang kani kanina lang hawak ni Andrew na baril at itinutok iyon sa amin pero nauna ng nakatutok ng baril dito si Celen na kakapasok lang.
"Drop your gun!" si Celen.
Ngumisi ang Nurse at itinaas ang mga palad. "You won," she said. Inihagis nito ang baril at kaagad na hinawakan ito ni Celen. "Paano mo nalaman?" tanong ng Nurse kay Belle.
"Thanks to my master con artist boyfriend. Halatang hindi ka marunong mang gamot," nilapitan ito ni Belle at hinatak ang buhok nito. "At isa pa, hindi bagay ang buhok mo sa attire mo, nakakairita," itinapon nito ang weg.
Napatayo si Winston. "J—Jael?"
"Kumusta, Winston? It's been a long time!"