Caress' POV "WALA ito," sabi kong ikinibit pa ang aking mga balikat. "Hayaan mo lang ako, Raim. Nadadala lang ako ng aking emosyon..." Pagak akong tumawa. Umiling. Pero nanatili akong nakatungo. "Nakakainis. Hindi ako dapat mag-inarte ng ganito. Dapat nga ay matuwa ako dahil magiging maganda ako. 'Di ba?" Ipinagpatuloy ko ang pagtawa kahit lumuluha. Sabi ko pa, "Iyon ngang ibang babae ay gumagawa ng paraan para lang makapagpa-retoke. Gumagastos sila ng todo-todo para gumanda. Samantalang ako... walang kahirap-hirap ay haharap for a facial surgery. Suwerte!" "Sana nga ay iyan ang damdamin mo at ang totoong isinisigaw ng puso mo. Tinanggap mo nga sanang suwerte ang offer ko. At nakapagbigay ng katuwaan sa 'yo." "Siyempre," sabi kong tumunghay at nagpunas muli ng mga luha. Tumingin ako

