3 : Who is she

1785 Words
“Miss? Ayos ka lang?” Baon ang mukha sa mga tuhod habang yakap ang mga binti, naabutan ko ang panginginig ng mga balikat niya pagkalapit ko sa tapat ng patay na puno kung sa’n siya nakaupo. “Miss?” Hindi alam ang gagawin, humakbang pa akong palapit. Para lang matigilan matapos niyang dahan-dahang mag-angat ng tingin. May kung anong nanlambot sa akin matapos rumehistro ng pamilyar at basang mga mata niya. She was that same girl I saw here the other day. “Sandali.” Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit nataranta ako sa pagkuha ng panyo sa bag. “Ito—” Napatunganga ako ng walang madatnang nakaupo ro’n. Wala na ang babae, na animong hangin lang na nagdaan. Lito, luminga ako sa paligid pero hindi ko siya nakita saan man. Posible bang makaalis siya kaagad mula sa lugar na ‘to nang ganoon kabilis? Kunot-noo, bumagsak na lang ang tingin ko hawak na panyo. Class hours pero wala doon ang isip ko kundi sa babaeng sini-sketch ko. Hindi ko alam kung bakit ‘sing bilis ng pagdating niya ang pag-alis. Who is she, anyway? Is she even real? “Regime, tapos ka na sa plates?” Umiling ako at nagpatuloy lang sa pag-sketch. “Hindi pa? Next week na submission ah?” “I know.” Nag-concentrate ako sa ginagawa. Nandoon na ako sa detalye ng mga mata niya, sunod sa maliit at pointed niyang ilong patungo sa mga labing hugis puso. “What are you doing?” Binaling ko ang tingin sa mga mata niya nang matapos ko ang huling detalye. Napatitig ako ro’n katulad ng pagkakatulala ko sa kanya nang unang beses ko siyang makita. Tilting my head a bit to the side as I scrutinize my sketch, hindi ko akalaing makakayanan ko siyang i-sketch galing sa imahe niyang tumatak sa isip ko. I admit, I’d stared at her more than I should but looking at my work, how it resembled her very well seemed like I knew her features too well. For someone I just briefly encountered, this is weird. “Sino ‘to?” Kumunot ang noo ko matapos agawin ni Myka ang sketch book ko. Agad ko naman iyong binawi kahit pinagmamasdan pa niya ‘yon. “Imagination?” nakangiwing aniya patukoy sa babaeng iginuhit ko. Hindi ako nakapagsalita dahil may tumamang kung ano sa akin. I know what she meant. Pero iba kasi ang dating niyon sa akin. What she said was imagination while I was thinking… that it was a hallucination. Tahimik ang bahay pagkauwi ko. Naabutan ko si Mama at Franco sa sala kasama si Ian at Fritzie na mukhang may seryosong pinag-uusapan. “Fritz…” Pagkalingon sa tumawag sa aking si Mama ay hindi ko agad naintindihan ang nakaguhit na pag-aalala sa ekspresyon niya. “Are you alright?” May pagtataka man ay marahan pa rin akong tumango. “I am. Bakit? May nangyari ba?” Sa namimilog na mata ay tumayo siya mula sa pagkakaupo at dire-diretsong lumapit sa akin. “Oh my, God. No…” Mas naging klaro ang bumalot sa aking pagtataka kasabay ng ginawa niyang pagyakap. Last time I checked she wasn’t this affectionate. What’s the catch? “I’m sorry, anak.” “What?” Halos magdugtong ang mga kilay ko sa narinig. “Bakit ka nagso-sorry?” Bakit nga ba? Dahil hindi siya naging mabuting ina para sa akin? Dahil iniwan niya ako kay Dad? Hindi ko maintindihan kung para saan ang mga sinasabi niya. “I know it’s hard for the both of you. Pero alam kong mas mahirap ito para sa ’yo.” I stilled. What was hard for whom? Ako at sino? Ian was staring blankly ahead. While Fritzie started crying as Franco shook his head in dismay. What the hell is happening? “Don’t worry. Bukas na bukas magpapatawag ako ng psychiatrist para patignan ka. ‘Wag kang matakot, hindi ko hahayaang—” Bahagya kong naitinulak palayo sa akin si Mama. “Sandali nga! Anong sinasabi mo? Psychiatrist? For what? For me?” I pointed at myself in disbelief. “Bakit? Hindi ako baliw at lalong hindi ako nababaliw, ‘Ma!” Isa-isa ko silang tinapunan ng tingin at iisa lang ang nakaguhit sa mga mukha nila: Awa. Mas lalong naiyak si Fritzie habang nanatili lang na nakatingin sa akin si Ian at Franco. Hindi ko masikmura ang bawat ekspresyon nila. Kunot-noo, mabagal akong umiling. I don’t understand. “Fritz, makinig ka muna sa akin, please. You need this!” “No.” Pagkahawi sa kamay niya’y walang lingon kong inakyat ang hagdan patungo sa kwarto ko, binabalewala ang mga tawag nila. Paano nila nasabing nababaliw na ako? Dahil ba ‘to sa babaeng nakikita ko na bigla na lang nawawala? Pero paano nila malalaman ang tungkol do’n? O iniisip nilang baka hindi ko kayanin ang pagkawala ni Dad? But I was fine and I could still think straight! f**k. “Fritz, gising ka pa ba? Nagugutom ka ba? Gusto mo padalhan kita ng pagkain kay manang? Anak…” Binalewala ko ang mga katok ni Mama. Ipinagpatuloy ko lang ang pagtitig sa sketch ng babaeng laman ng mga halusinasyon ko. Ilang sandali lang din nang humupa ang mga katok. Narinig ko na lang ang mga yabag niyang palayo matapos. Lumapit ako sa pinto at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Wala na si Mama ng pasadahan ko ng tingin ang corridor. Isasara ko na sana ang pintuan nang marinig ko ang boses niya mula sa balcony. “Bunga siya ng isang kahayupan at kinamuhian ko siya ng dahil do’n. But God knows, hindi ko kailanman hinangad na magkaganito siya, Franco!” “Alam ko, Rizza. Itinuturing ko ring parang tunay na anak si Regime at ayokong makita siyang gano’n.” She started sobbing the same way I started to question everything. Wala sa sarili kong hinakbang ang hallway at tinungo kung nasaan sila. “Pero kailangan natin syang tulungan. Ano mang—” “Anong ibig sabihin ng mga sinabi mo, ‘Ma?” Kapwa namilog ang mga mata nilang dalawa nang malingunan ako. “Fritz…” “Regime, sandali lang. Hindi naman—” “Sagutin mo ako, ‘Ma,” mariin at walang tinag kong giit nang hindi man lang pinapansin ni nililingon si Franco sa tabi nya. Bago ako pagtuunan ay sumulyap siya kay Franco na para bang kumukuha siya ng lakas mula rito. Basa ng luha ang pisngi at mga mata, ilang sandali niya akong tinapunan ng tingin bago sa wakas ay nakapagsalita. “Rio’s not your real father.” Tulad ng isang math problem, hindi ko alam kung paano ko uumpisahang i-analyze ang sinabi ni Mama. It was like hearing a foreign language—I didn’t know what to make of it. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging misteryo ng mga bagay. Pero sa puntong ‘to, isa lang ang sigurado ko, “Wala akong maintindihan, ‘Ma.” Nababaliw na nga ba ‘ko? Ilang malalalim na hininga ang hinugot niya para lang makayanang sabihin sa akin ang dapat sabihin. “I was only eighteen when my lolo got sick and he asked me for one thing. Gusto niyang bago siya mamatay ay ipakasal ako sa apo ng kaibigan niya na matagal na nilang napagkasunduan. That’s Rio. Hindi ako pumayag dahil boyfriend ko noon si Franco. “They insist, hindi sila pumayag na hindi ko mapapakasalan si Rio kaya nagplano akong kausapin ng personal si Lolo. Pero bago ko pa man magawa ‘yon, pinigilan na ako nina Dad. Wala akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko. Wala akong karapatang piliin ang gusto ko. Isang beses akong nagpakalasing para lang makalimot pero…” Nasapo ni Mama ang nanginginig niyang mga labi at napahagulgol ng iyak. “Rizza...” Hinimas ni Franco ang likod niya nang magpatuloy siya sa pagku-kwento. “I got r***d by a stranger.” Halos hindi lumabas ang mga salitang ‘yon sa pagitan ng mga labi niya. I stilled, couldn’t fathom what to feel. “Nalaman kong buntis ako a month after ng nangyaring ‘yon. Hindi ko kinayang sabihin ‘yon sa mga magulang ko at hindi ko naman ‘yon masabi kay Franco dahil pinagbawalan na nila akong makita sya. In the end, kay Rio ko ‘yon nasabi. Akala ko ipapaurong niya ang kasal dahil doon pero nagulat ako nang umamin siya sa aking mahal niya ako. Na mahal pa rin nya ako sa kabila nang nangyari sa akin. “Ipinangako niyang papakasalan niya ako para panagutan ang bata. At para hindi ako makagawa ng kahihiyan sa pamilya namin… napagkasunduan naming dalawa na papayag siyang hiwalayan ako kahit kailan ko gustuhin. Hanggang sa mamatay ang lolo ko nang halos mag-iisang taon matapos ang kasal namin, kung kailan ipinanganak kita. “Pinalipas ko ang isa pang taon bago ko hiniwalayan ang daddy mo. At katulad ng sa kasunduan, pumayag siyang makipaghiwalay sa akin. Hindi pumayag ang lolo nya’t mga magulang ko pero nanindigan si Rio. Ang sabi niya sa akin noon, mahal na mahal nya ako kaya kung masaya ako, masaya na rin sya.” Tulala lang ako sa kawalan buong sandali. Lahat ng mga salitang binibigkas niya’y animong lumulutang sa ere. “I loathed my own son to the point that I left you with Rio. Sa loob ng dalawang dekada ikaw ang pinagbalingan ko ng galit ko sa taong bumaboy sa akin. Ikaw ang ginawa kong simbolo ng kahayupang ‘yon. And I’m so sorry if it takes me twenty years to realize that what I did was totally wrong. Na kahit ano ang nangyari, sa akin ka nanggaling. Na anak kita…” She was finally saying sorry. But why… why does my chest tightened from beating so loudly to the point where I could feel it burst? “Bakit hindi ‘to sinabi sa akin ni Dad? All the while, pinaniwala niya akong siya ang ama ko’t iniwan mo siya. But guess what? Truths are always awful than lies, isn’t it?” Sapo ng palad ang ulo, mapait ang tawang napakawalan ko. Slowly, I started stroking my head in disbelief as my breathing strained. “I’m a son of a f*****g r****t?” “Regime, hindi naman importante kung sino ang ama mo. Ang mahalaga tinanggap ka nang buo ni Rio at itinuring bilang anak niya! Mahal na mahal ka ng daddy mo, Regime. ‘Yun na lang ang isipin mo.” Fuck that. “Kung mahal talaga niya ako, hindi niya ipagkakait sa akin ang parte ng pagkatao ko,” matigas kong tugon bago sila tinalikuran. Ibinagsak ko ang pinto ng kwarto ko. Kasabay ng pagdausdos ko sa likod niyon ang pagbuhos ng mga luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD